Nag-aalaga LANG daw ako ng bata

Nagsabi ako sa asawa ko na sumasakit ang likod at kamay ko kaya pinakarga ko muna sa kanya si baby. Ang sabi nya nagiinarte lang daw ako. Ang sabi ko so kapag nagsasabi ka na masakit ang likod mo, nagiinarte ka lang din? Sagot nya sya daw mabigat ang ginagawa at ako nagaalaga LANG ng bata. Wala daw akong kwenta na nanay dahil nagiinarte lang ako sa pag-aalaga. Na-share ko lang dahil sobrang naiinis ako.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Halos same scenario. Share lang. 2mos sya dun sa kanila due to lockdown. 1month palang si Baby ng umuwi sya at halos kauuwi uwi nya lang dito. Last night, sabi ko "Nak, pagod na si Mama. Tulog ka na, anong oras na ih" Alas 9 na po yan ng gabi. Kinuha nya si Baby sakin, tapos iyak na ng iyak, ayaw nya ibigay hanggang sa tumaas na boses ko. Nakakairita ih. This morning, nalaman ko na kaya pala sya ganun kasi daw nag aalaga lang naman daw ng bata, tapos pagod agad. Just WOW! Ang sarap ipamukha na sya nga, nagpakasarap dun sa Nanay nya ng 2 months, mga panahon na nag aadjust pa ako at kaylangang kaylangan ko tulong nya. Galing daw kasi sya trabaho. Well, training palang naman sya, nasa FST to PST ang phase nila ngayon. ( Para po sa mga BPO nagttrabaho, magegets niyo yan ) wala pong nakakapagod dun lalo at FST dahil mostly makikinig ka lang. Nagsimula syang ganyan nung wala na akong trbaho. Bawal pala mapagod kapag wala kang trabaho. 😅

Magbasa pa
5y ago

PS. First Baby namin si LO. So, expected na struggle talaga sa unang mga buwan.

I'd slap the s*** out of his face so hard it's gonna hurt until the next kingdom come. 😂 First off, that's so disrespectful. Bakit idadownplay ang pag aalaga sa bata? Obviously hindi natry ng asawa mo magpuyat, kumarga magdamag, etc sa anak nyo. Pa try mo sa kanya, see how long he'd last. Wala pang 30 minutes yan babalik na ang bata sayo. Pagsama-samahin man nya lahat ng ginawa nyang mabigat, hindi nya matutumbasan ang hirap na pinagdaanan mo sa pagbubuntis hanggang sa pag aalaga mo sa anak mo. It's a lifetime thing. Ang lungkot na ganyan ka insensitive ang asawa mo. I get why you got mad. My partner told me something like that too, and I made sure he knows he's wrong at hindi na nya uulitin ung sinabi nya. Pinaranas ko sa kanya talaga ng 1 buong araw, except pag didede si baby. Nagtanda naman. Good luck. Don't let anyone talk you down, ma! You are doing great! ❤️

Magbasa pa

ganyan din situation ko. away agad pag sinasabihan ako ng partner ko ng ganyan kaso nauulit pa din. sinasabihan ko sya na palit kami ng ginagawa sya mag alaga kay baby ako gagawa ng mga ginagawa nya. akala siguro nila madali magbantay ng baby. ang partner ko wala pang 1 hour na karga si baby magrereklamo na na nangangalay daw sya kaya pag sinasabi nya yun sasagot agad ako ng "wag kang mag inarte wala pang isang oras ang pagkarga mo. grabe ka makasabi sakin na nagiinarte samantalang ikaw hindi makatagal kahit isang oras!" pero kahit ano sabihin ko wa effect pa din mauulit at mauulit lng. kakastress.

Magbasa pa

Sorry to say,pero sa sinabi niya sayo,hindi ba't wala din siyang kwentang asawa? Para maliitin ka,sa pagaalaga ng anak nyo,hindi ba wala din siyang kwentang ama? Sabihin mo sa kanya,kung ayaw niya gawin ang pinakikisuyo mo o sinasabi mo sa kanya,pwede siya magsabi kung ayaw niya. Pero wala siya karapatan pagsalitaan ka ng ganun.siya na magdala ng bata sa sinapupunan ng 9 na buwan tapos maghirap sa labor at panganganak.ewan ko lang. Dami na sinabi sayo na masama,nakisuyo ka lang naman sa kanya na buhatin anak nyo.anak nyo naman yun.hindi lang naman sayo.

Magbasa pa
VIP Member

Tamad lang hubs mo hindi ganyan mahirap ang rules ng nanay kac lahat ng gawain karga problema eh yung lalaki mas ok pa kisa sa rules natin kaya nga din tinatawag na mag asawah para tulungan sa lahat ng bagay pag ako ginaganyan bungangain ko talaga mabunga2 ako sa hubby ko buti naman kahit anung masakit na salita ibabato ko wala lang sa kanya mas narerealize pa nya lahat ng pang insulto ko sa kanya kac sobrang tamad at pasaway din kakaprangka ko ng kung anu2ng salita ok na ng iiba na xia kung baga babaguhin nya kung anu mang mali sa kanya

Magbasa pa
VIP Member

Hayyss grabe naman asawa mo...hayysss nasasabi nila yan kasi sila nagttrabho.pero hindi nila alam mas mabigat ang gingawa natin mga nanay...sabay sabay pa ang trabho.. sa umaga pa lang pag aasikaso papaligo sa bata magluluto maglilinis maghuhugas ng plato...maglalaba...mag aalaga ulut ng bata..pag ihi natin nalilimitan na..kahit siguro suklay di na gagawa..hayysss grabe sila... minsan ganyan din asawa ko pero nililiwanag ko sa kanya. Mas masarap mag trabho..kasi yun lang gagawin mo..kesa sa bahay ka lahat sayo.. i feel you sis..

Magbasa pa

gago pala yang asawa mo ihh.. buti yang sa trabaho nia.. pwede siang mag resign o mag awol may sahod pa.. ang pagiging nanay walang ganun.. habang buhay na responsibilidad yun.. try niang sia ang maiwan sa bahay at gumawa ng lahat.. tapos magaalaga kapa ng bata.. hirap sa mga hunghang na lalaki na yan.. porket sila ang kumakayod ..sila lang pwede mapagod at uminda sa mga masakit sa knila.. nanggigigil ako jan sa asawa mo.. momsh.. sarap bglang basagan ng plato sa ulo.. 😤😤😤

Magbasa pa
VIP Member

Nakakainis yung ganyan parang asawa ko lang sarap balik sa magulang niya, ayaw ko talaga kasi na magluto kasi naduduwal talaga ako gusto ko din kumain kahit konti lang para sa 2nd baby ko, tapos pakikiusapan mo ng maayos na siya muna mag luto nag iinarte lang dw ako, buti sana kung di ako buntis okay lang nasabihin niya yun di niya kasi alam nararamdaman ko, ayaw kong manganak na siya kasama baka ano sabihin niya pag nanganak ako sumama pa ulit loob ko😡😡😡😤😤

Magbasa pa
VIP Member

buti talaga may TAP, free tayo maglabas ng sama ng loob.. iwan mo sknya si baby minsan mumsh ng maranasan nya hirap ng pagaalaga.. masakit sa likod, hindi makakain sa oras, hindi makakaihi, ni ligo late na,pati tulog kulang tas masasabihan ka ng ganun.. alis ka pag off nya mag hahanap ka kamo ng trabaho para maexperience nya.

Magbasa pa
5y ago

In-upvote ko ito kasi malamang ganyan ang gagawin ko sa sitwasyong 'yan. Maghahanap ako ng trabaho sa day off ng asawa ko at iiwan ko ang bata at lahat ng gawaing bahay sa kanya. Tignan ko lang. Kaka-GG sobra 🤬

Walang kwenta mga ganyang lalaki. Sorry mommy pero ang kapal ng mukha ng asawa mo. Sya nga dapat ang takbuhan mo pag may problema ka o di magandang pakiramdam. Tapos sa halip na tulungan ka, pinasama pa ang loob mo. Sa halip na sya ang magalaga sayo, parang papatayin kapa sa binat. Mommy pakatatag ka para sa baby mo. God bless you.

Magbasa pa