Gusto ko na hiwalayan asawa ko

Walang kwenta e. Pareho kami work from home. 12pm to 9pm pasok nya, ako naman 3pm to 12am. Pag gising ng anak ko sa umaga gising na din ako, maghahanda ng pagkain makikipag laro sa anak, house chores. Tapos sya, gigising ng tanghali para kumain tapos matutulog ulit saglit tapos shift na nya. Walang ginagawa sa bahay, hindi man lang mag kusang maghugas ng plato at bote ng anak nya. Ang malupit pa neto, walang binibigay sakin na pang bili ng pagkain at gatas at diaper ng bata. Ako din nagbabayad ng utilities at sasakyan namin. Ang binabayaran lang nya internet, kasi daw kulang daw sahod nya hindi pa daw binibigay bonus nya ganun. Tapos humingi pa ng 10K sa akin, pambayad sa utang nya sa isang online app. Na iistress na ako sa kanya. Kahit man lang sana tulungan nya ako sa pag aalaga ng bata kung di sya makapag provide sa amin. Kaya lang wala talaga kwenta e. Pagod na pagod na ko. Sensya na po gusto ko lang maglabas ng sama ng loob 😔

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me pag usapan nyo muna at kung hindi magiging okay ang usapan nyo like ayaw ng partner mo sa gusto mo mangyare mas okay pang mag sarili kayo ng anak mo since ikaw din nag aasikaso at gumagastos, makaka less kapa ng papakainin at sakit ng ulo. Maliit man yung sahod nya kung gusto nya tumulong kahit sa gawaing bahay nalang sana pero di nya magawa. 🚩

Magbasa pa