Pamamanas, mabigat na puson at sakit/ngimay ng kamay update

SHARE ko lang mga future mommies, check up ko kanina sa OB ko, (7months preggy) sinabi ko kaagad kay Doc yung paa at sakong kong namamanas. Marami kase nanay ang nagsasabi na namanas lang sila nung manganganak na. Sabi nya normal lang daw yun basta hindi ako high blood. Kase masama daw pag highblood tapos panas. Iwas lang daw ako sa salty foods. Regarding naman sa slight na sakit sa puson na parang mabigat, bumababa na daw si baby. Pag naexperience ko daw ulet yun, higa daw tapos lagay ng mga unan sa may pwet, wag daw magpapahilot kase minsan hindi lang baby ang nagagalaw sa loob. At regarding sa pananakit ng kamay ko, niresetahan ako ng vitamin B complex 2x a day.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thanks po sa pag share.