Nag-aalaga LANG daw ako ng bata

Nagsabi ako sa asawa ko na sumasakit ang likod at kamay ko kaya pinakarga ko muna sa kanya si baby. Ang sabi nya nagiinarte lang daw ako. Ang sabi ko so kapag nagsasabi ka na masakit ang likod mo, nagiinarte ka lang din? Sagot nya sya daw mabigat ang ginagawa at ako nagaalaga LANG ng bata. Wala daw akong kwenta na nanay dahil nagiinarte lang ako sa pag-aalaga. Na-share ko lang dahil sobrang naiinis ako.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Talk to him and tell him not to ever talk to you like that. Never minaliit ng husband ko pag may nararamdaman ako. Especially pregnant ako even pagcut ng toe nails ko siya gumagawa. Tell him kanya kanya kayo ng hirap, wag naman niya idiscredit yung role mo. And if pagod siya wag niya ibaling sayo yung nafifeel niyang pagod.

Magbasa pa

Baka po tyempong pagod o may problema lang asawa nyo pero gayunman ABNORMAL po Asawa niyo hindi ugali ng isang ama ng tahanan yung ganyan. Kaya mga momshies importanten bago kayo pumasok sa relasyon kilatisin naten yung makakasama po naten sa buhay.

Yaan mo na yun mamsh, lalo lang tayo mastress bukod sa pagod sa pagiging nanay. Kung ganyan sya sayo wag mo na sya hingian ng favor. Kaya natin self natin mamsh strong tayo mga babae. Si baby lang sapat na tanggal pagod natin! 😘❤️

VIP Member

Awts grabe naman xa... D nya naisip na kailngan mu ng kahit konting pahinga pra magkaroon ka ulit ng pnibagong lakas pra sa pag aalaga ng anak nyu... Xa pagtapos magbuhat ng mabigat tapus na eh ikaw 24/7 d nattapos pag aalaga mu...

naku. momsh grabe naman yang asawa 😩😩😩 Dapat jan pabantay mo anak mo e kahit isang araw lang ng maranasan nya kung paano ang hirap... Asawa ko nga pagod na sa work pero nagbabantay pa din ng baby namin kahit papano..

Nako ang sabihin mo asawa momshi palit kamo kayo ng trabaho ipa experience mo ng isang bwan ang pag aalaga ng anak nyo. Baka yan isang araw palang suko na. Dahil hindi lang bata ang aalagain. Pati buong bahay nyo. Sya na Ang made.

grabe ang sama! ganyan naba siya moms nung magbf/gf pa kayo?ang dami talagang walang kwintang lalaki! napapisip tuloy ako kung nature naba talaga ng mga kalalakihan ang mging GAGO oh nasa pagpapalaki yan ng magulang?

Talk to your husband po, yung masinsinan. Wag mo po hinahayaan na ganun sya magsasalita sayo. Pa realize mo po ang mali nya. Hindi po madali maging INA.. at dmo deserve yung ganung salita from your hubby.

Ganyan din partner ko. Ni LaLANG lang pag aalaga ng bata. Pag sinasabi niya yan sinasabi ko naman. Palit kami ng sitwasyon ako mag work at siya mag alaga kung kaya niya. Ayun tumatahimik.

Ang mean naman po ng hubby nyu. Ipaintindi nyu po sknya Momsh na hindi ganun kadali mag alaga ng baby. 24/7 ang pagiging ina pero ang mag work 8hours lang may breaktime pa tayo po wala.