Uso pa ba ang PROPOSAL?

Nagpropose ba sa inyo ang asawa/partner nyo or mutual decision nyo na ang magpakasal? Katuwaan lang, share your experience and stories momshies. ♥️

Uso pa ba ang PROPOSAL?
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May planong kasal. Napag uusapan naman yung about sa kasal. Pero siya diresto namanhikan. Actually the day before yung pamamanhikan na nagpunta siya sa bahay ang usapan namin is maghihiwalay na talaga kami 🤣 almost two weeks na kami magkaaway non. As in di na talaga kami okay. Iisang work lang kasi pinapasukan namin. Sa pinsan niya. Cashier ako non tapos siya driver palang. Di nako sumasabay sa kanya iniiwasan ko na siya tapos ayun nga sabi ko pumunta siya sa bahay para makapagsabi kami sa magulang ko na maghihiwalay na kami as bf/gf. Simula kasi panliligaw, sa pag oo ko sa kanya maging kami alam ng family ko. Pinapaalam namin so ako sabi ko para alam din nila na wala na nga kami magsabi kami na tapos na kami. Ang walangyang partner ko hindi pala pakikipaghiwalay sinabi sa magulang ko. Mamanhikan na pala 🤦‍♀️🤣 ayun kinabukasan agad andon sa bahay namin magulang at isang kapatid niya tapos ibang kamag anak niya. Same sa side ko. But until now dipa din kami kasal. Napostponed kasal namin na nung May pa dapat. Pero live in na kami and magkakababy na din 😊

Magbasa pa