cord coil
Nagpa ultrasound ako kanina at nakita na cord coil ang bb ko. posible bang makapagnormal delivery ako? 1st time mom at 37 y. old.. (37 weeks and 3 days)
Monitor the movement of your baby sis. Cordcoil din baby ko when I delivered him per hindi nmn sa ultrasound. Ngpa CTG kna ba to check the activity of your baby? Dun kasi mkkta kung ok ang baby mo especially the heartbeat.
Wag niyo na po sana irisk po un mag normal po kung naka cord coil na po un baby niyo po. Si baby po kasi un mahihirapan if ever. Ano po advice ng OB niyo po?
May nuchal cord coil din ng baby ko. 38weeks 5days. By monday ienduce nko ng o.b ko.. i hope ma kayanan ng normal delivery if not then cs na tlga.
Si baby din cord coil pero sa paa. Nag tachycardia sya nung mga nag labor ako ng 4cm na. Induced din ako. So far ok naman si baby
Ako nmn po cord coil nkaya nmn ng normal at home birth po. So far very healthy nmn ang pogi kong anak. ☺️
Cord coil din po ako normal delivery 8 hours ako nag labour 39 weeks po ako nong nanganak 3.8kilos baby ko😊
Ang baby ko single cord coil din, 37 weeks and 6 days.. Pray lang ako always na maging ok siya
cord coil din baby ko, hindi na rinisk OB ko sa normal delivery kaya CS po ako
Opo..cord coil din po ako..ppero normal delivery po ako
Seek professional advice po from your OB. There are cases na kaya via normal delivery. My 1stborn has cord coil issues. Sadly, stillborn sya. And maswerte po kayo kasi nalaman nyo agad na may cord coil. Monitor your baby's movement. If you think may sudden decline sa activity, much better pa check agad sa OB. Samin kasi biglaan and it's too late na pala. Wala na sya heartbeat. Others have successful stories of cord coil issues. Other moms, like me, have painful ones. Always remember that each pregnancy is unique. Don't want to scare you, mommy. This is for awareness.
Magbasa pa
mom of 4 beautiful children ❤❤