Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang relate po ako sa'yo kasi ganyan din nangyari sa akin pero Awa ng Poon di pabaya sa sustento ung tatay ng baby ko since day 1 na nalaman naming buntis ako. Kailangan niyo po siyang kausapin ng maayos para sa bata. Dapat po nagpagawa kayo ng kasulatan para sa bata.

VIP Member

Sundalo rin bf ko, alam ko sis pwede mo yan iconcern sa mismong kampo nila or dun sa main office ng kampo or takutin mo ung sundalo na magrereklamo ka kung dka susustentuhan. Pero sana kinilala mo muna sis, lalo pa't sundalo. Madalas naman kase tinatago nila na may pamilya na sila.

5y ago

Opo sis pwede talaga sya matanggal, pero mas okay kung tatakutin mo talaga na irereport mo, kase matatakot rin ung pamilya pag nawala sila sa service e, mawawalan ng sahod.

VIP Member

Buhayin mo nalang mag isa yung bata. Kasi kung kasal sila nung asawa nya, Cympre lalabanan ka nung tunay na asawa, pag nagkasuhan. Bukod sa tanggal serbisyo yung lalake pati ikaw makakasuhan ka din. Wala kang mapapanalo sa tunay na asawa. Perwisyo pa kayo parehas ng lalake.

Magbasa pa

Pwede mo ireklamo kasi right naman nubg bata yung sustento ng ama. Pero para sakin, okey n dn ako kumayod pra sa anak ko, ayoko naman maghabol nang maghabol. Ang fulfilling kaya sa pakiramdam na pinalaki yung anak sa sariling sikap

VIP Member

Momsh, ilaban mo yan, pwede kang mag file ng reklamo sa AFP, para mabigyan ka ng sustento, alam ng mga sundalo yan pag nakasuhan sila, wala silang makukuha na kahit ano sa government. Hindi naman para sa iyo yan, para kay baby

May karapatan pa din anak mo na makakuha ng sustento sakanya walang say asawa niya don.. Kaso pwede niya kaso kasuhan adultery gagamitin niyang ebidensya yung anak mo.. Pero pwede mo din naman kasuhan asawa niya sa hindi pag sustento

5y ago

Kaso pwede niya kayo kasuhan adultery*

Hindi naman po kasi yung gagawa ng fb account na mabubuking siya na may asawa na siya..syempre gagawa ng ibang account yun na kunwari single siya.. pasalamat kana lng mamsh hindi naisipan ng asawa na mag demanda..

Akin mamsh ay isang Pulis, huli ko na rin nalaman buntis na ako nun meron may asawa na pala. 5months na si baby ngayon tuloy2 parin ang pagsupporta nya sa bata. Wala na rin kami simula nun nlaman ko lahat ng panggagago nya.

May batas na para sa di nag susustento pero sa situation mo mas talo ka pag kayo dinemanda ni misis kasi andyan na evidence yung nagka anak kayo tho di mo naman alam na may asawa na pala yung sundalo na yun.

Talo ka dyan kung kasal sila ng asawa pwede ka kasuhan lalo nat buntis ka ebidensya yan..pwede nya kayo ipakulong dalawa..nasa pag uusap nalang yan kung paano ka makaka kuha ng sustento from him..

5y ago

Makakasuhan pa din, ngayon kailnagan niang patuyan sa korte na hindi niya alam na kasal ung sundalo kailangan makakuha ng magaling na abogado, abala yan baka maistress ka pa habang pinpoproseso ung kaso.