Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May batas po dyan and mas may chance ka na manalo kasi malaki yung pinagkukuhanan nya ng income. yung sa sitwasyon ko po Iisang beses pa lang sya nakakapagbigay sakin. Di jo din po alam gagawin hahaha

same po tau ng case..sundalo din po bf ko at pamilyado na..huli ko n din nalaman..pero full support nman po xa sa pg bubuntis ko..kahit alam n ng misis nya..sinusuportahan nya parin mga needs ko..

may batas na ngayon, pag hindi sinusyentuhan nung lalaki ang anak nya pede sya matanggal sa serbisyo at makulong. Kasal man kayo o hindi basta mapatunayan na sakanya talaga ang bata.

Itulfo mo momsie. Kaya lang baka lumaban ung asawa, since may anak kayo ipakulong pa kayo pero may trial nman yan. Lahat yan may process, kelangan lang ng maayos na legal advise.

Yan talaga ang mahirap lalo na at may asawa na. Di mo masisisi un. Pero kausapin mo ung nakabuntis sayo baka may ibang way para mabigyan kau ng sunstento ng magiging anak niyo.

VIP Member

..its a must, since kinikilala nya anak nyo dapat may sustento anak nyo. make their office now the situation. sila na mismo nya gagawa ng paraan para maayos and hinaing mo

PWEDE NYO PONG KASUHAN NANG VAWC SA CRAME ANG SUNDALO .. WALANG MAN SYANG OBLIGASYON SAYO SA BABY PO MERON .. wala po silang magagawa kundi sustentuhan ang bata ..

may batas po tayo jan ung violence against women and children pero mas bettee po makipag usap po kayo sa kampo nya or main office baka maka reach kayo ng compromise

Buhayin mo. Ikaw na lang magtaguyod. Kasi may legal pa rin naman syang pamilya. Kesa sa lumaki pa ang gulo at magkakasuhan pa kayo, buhayin mo na lang po yung baby.

TapFluencer

Ganyan din po nangyari sa senior ng asawa ko pumunta po yung babae sa campo nila di naman natanggal yung lalaki nademote lang tapos need nya suppotahan yung bata