Why do I feel betrayed?

Nagkaroon kami nh kasunduan ng soon to be husband ko na stop muna siya magbigay ng pera sa nanay niya para maturuan ng leksyon kasi bago siya pumunta ng japan, kinausap namin nanay niya kung sino at kung magkano ang utang niya pero nung nakaalis na ang anak niya at biglaan ang pagpapahospital ko sa nanay niya umabot pala ng more than 100k ang utang biya sa ibang tao pero ang alam lang namin is nasa 39k. Napaisip ako bakit nagkaroon siya ng ganoong kalaking utang na alam ng soon to be husband ko, adopted child nila at nanay niya na ako ang naging bread winner sa pamilya nila hanggang sa pag alis ng fiance ko papunta japan. From bills hanggang sa pag aaral ng adopted nila. To make it short, nabayaran na lahat utang ng nanay niya at naglayas ako sa kanina kahit na namanhikan na sila kasi wala akong karamay sa pag aalaga ng anak nami kasi kapapanganak ko lang. Umalis din ang nanay niya at iniwan sa akin ang adopted child nila. Napagkasunduan namin ng fiance ko na huwag na muna niya bigyan ng pera nanay niya total may trabaho naman at focus muna siya sa pag iipon at dami pa kami bills at bayarin kasi nagpapatayo kami ng bahay. Pero bakit parang nasaktan ako ng mabasa ko conversation nila ng mama niya nanghihingi mama niya ng pera at nag yes siya na alam niya may kasunduan kami. Why do I feel betrayed? Masama ang loob ko sa kanila pati na rin sa fiance ko. Nagdusa ako mag isa nung pagbubuntis ko hanggang sa nanganak ako wala man lang kamag anak kahit adopted child nila na high school tumulong sa akin. Mag isa ako nasa hospital kahit sa pag aalaga ng bata. Nasasaktan ako bakit isang sabi lang ng nanay niya oo agad siya. Di ba niya nakita ang hirap na dinanas ko nung mag isa ako at umalis nanay niya. Masakit isipin na sa pamamanhikan nila nag promise pa nanay niya di nila ako pababayaan.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, you need to understand. May soft spot si mister sa nanay niya. Syempre nanay niya parin yun. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo pero importante po na kausapin mo siya.