Honey Jane San Juan-Caputol profile icon
SilverSilver

Honey Jane San Juan-Caputol, Philippines

Contributor

About Honey Jane San Juan-Caputol

Aquarius ?

My Orders
Posts(12)
Replies(27)
Articles(0)

Why do I feel betrayed?

Nagkaroon kami nh kasunduan ng soon to be husband ko na stop muna siya magbigay ng pera sa nanay niya para maturuan ng leksyon kasi bago siya pumunta ng japan, kinausap namin nanay niya kung sino at kung magkano ang utang niya pero nung nakaalis na ang anak niya at biglaan ang pagpapahospital ko sa nanay niya umabot pala ng more than 100k ang utang biya sa ibang tao pero ang alam lang namin is nasa 39k. Napaisip ako bakit nagkaroon siya ng ganoong kalaking utang na alam ng soon to be husband ko, adopted child nila at nanay niya na ako ang naging bread winner sa pamilya nila hanggang sa pag alis ng fiance ko papunta japan. From bills hanggang sa pag aaral ng adopted nila. To make it short, nabayaran na lahat utang ng nanay niya at naglayas ako sa kanina kahit na namanhikan na sila kasi wala akong karamay sa pag aalaga ng anak nami kasi kapapanganak ko lang. Umalis din ang nanay niya at iniwan sa akin ang adopted child nila. Napagkasunduan namin ng fiance ko na huwag na muna niya bigyan ng pera nanay niya total may trabaho naman at focus muna siya sa pag iipon at dami pa kami bills at bayarin kasi nagpapatayo kami ng bahay. Pero bakit parang nasaktan ako ng mabasa ko conversation nila ng mama niya nanghihingi mama niya ng pera at nag yes siya na alam niya may kasunduan kami. Why do I feel betrayed? Masama ang loob ko sa kanila pati na rin sa fiance ko. Nagdusa ako mag isa nung pagbubuntis ko hanggang sa nanganak ako wala man lang kamag anak kahit adopted child nila na high school tumulong sa akin. Mag isa ako nasa hospital kahit sa pag aalaga ng bata. Nasasaktan ako bakit isang sabi lang ng nanay niya oo agad siya. Di ba niya nakita ang hirap na dinanas ko nung mag isa ako at umalis nanay niya. Masakit isipin na sa pamamanhikan nila nag promise pa nanay niya di nila ako pababayaan.

Read more
 profile icon
Write a reply

How to handle a Mother-in-law?

To focus on what happened, I'll start kung saan nag start ang problem. Paalis na si fiance bound to Japan. He'll be working there for a year. Bago siya umalis, I am already 2 mons preggy. Nakatira na ako sa kanila after ng pamamanhikan. Sinabi ko sa kanya na bago siya umalis alamin niya muna kung anong pinagkakautangan ng mama niya kasi like what I said to him tulunga niya muna si mama niya bago akp para naman at least maka start kami free from utang same thing sa mama niya. Sabi ng mama niya may pinag utangan nga siya parang "arawan" worth 9k at yung member siya ng dalawang lending isang 15k at 15k sa isa. At peace na kami ni fiance kasi alam na namin kung an dapat priority na bayaran. Nong October 2018 biglaan ang pagpapa hospital ko sa mother in law ko kasi nakagat siya ng daga at may ulcer din. Umabot sya almost a week sa hospital and that was the time I discovered hindi lang pala 3 o 5 ang napag utangan niya. Halos di mabilang, umabot ng 100k lahat lahat ng utang niya. Umiyak nalang kami ni fiance kasi maayos namin siya kinausap pero yun nalaman ko kasi maraming pumunta sa bahay while wala siya at naniningil. Shock kami kasi nalamsn din namin na kelan lang yung mga utanh niya the fact na AKO LAHAT NAGBIBIGAY SA PANGANGAILANGAN NILA like totally kasi wala work si Bf starting noong April 2018 hanggang sa pag alis niya. I was still working kahit preggy ako. From food to bills at lakwatsa ako lahat. Even sa pag alis ni fiance ako nagbigay allowance niya. Ni piso wala man lang binigay mama niya. Ayun napag usapan namin bayaran lahat utang niya para wala na siya problema at agree naman ako tapos after kami naman ng baby ko priority. Pero masama na pakikitungo ng mama niya sa akin pag alis ni fiance. Sabihan pa akong pakialamera at kinokontral ko daw yung anak niya na halos di niya maisip ako pa mismo nagsabi sa anak niya na tulungan niya mama niya na wag pabayaan. Nagalit pa siya nung sinumbong ko siya sa anak niya kasi napagsabihan ako ng collector ng napag utangan niya na PINAG UTUSAN DAW SIYA NG MOTHER IN LAW KO NA SABIHIN 10K ANG UTANG PERO HINDI PALA. WAG DAW AKO MAGPALOKO SA SARILING MANUGANG KO. Sinabi ko sa fiance na ganon ang nangyari. Naiyak nalang siya kasi sarili niyang ina niloloko siya. Naglayas ang mama niya nung November 2018 tapos nalaman nami namamasukan bilang taga luto. Hinayaan namin siya. Ngayon naiwan ako at yung adopted na anak anakan niya na SOBRANG TAMAD. Hanggang sa pag labor ko ako lang mag isa pumunta sa hospital. Even sa pagbabantay ng sanggol at asikaso ng papeles ako lahat. Masakit isipin na sa kabila ng pakikitungo ko sa kanila ganoon nalang ang gagawin. Wala pa si fiance ko, wala man lang sila para umalalay. Hirap din makapunta pamilya ko kasi malayo ang hometown ko sa city na tinitirhan namin. Haggang ngayon di pa rin kami nagkakaayos at nagka problema na rin kami ng adopted child nila kasi nasampal ko kasi nalaman ko na nung wala ako sa kanila humigit isang buwang pumupunta pala bf niya at dun natutulog. Sinumbatan pa ako na asawa lang daw ako ng kuya niya kaya nasampal ko uli at nasigawan ko na nagpaka Ina at Ate sa kanya kasi ako nagsusuporta sa pag aaral niya. Nag labor ako nung Feb 2019 at naglayas sa kanila kasi sobrang hirap mag isa. May araw na di ako maka kain kasi di man lang nagluto yung adopted nila. Umiyak nalang ako nung sinundo ako ni papa. Masakit ispin kasi namanhikan na sila tapos ganon lang. Di ko alam kung ano ba talaga ako sa pamilya nila at sa fiance ko kahit pa ilang beses niya sabihin sa akin na priority niya kami though sa pinansyal lahat naman binibigay niya pero bakit parang may kulang. Di naman ako gahaman sa pera pero hindi yun ang kulang. Ewan ko. Nasasaktan ako.

Read more
 profile icon
Write a reply