Nag paalam sa akin ang husband ko na pwede ba daw nyang ihatid ang anak nya na nakatira sa amin sa mom nito kahit twice a month para makasama naman daw nya ito . Hindi ko pa sya sinagot sabi ko pag isipan ko pa muna . Shempre may something sila nong babae at nag kaanak pa sila bago naging kami . Papayag ba ako o hindi ? Ano ang dapat kung gawin ?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap magsalita, pero this is based on my own opinion lang po. Wala naman akong nakikitang masama kung ihahatid niya ang anak niya sa bahay ng nanay nito kasi kahit wala na naman sila kailangan makita pa rin ng bata na okay yung parents niya at nagkakasundo for him/her. Sa tingin ko mas okay naman yung kahit broken family kayo pero yung parents mo ay friends pa rin at okay ang relasyon para sa anak nila. Remember, nakilala mo siya ng may anak na and obligasyon niya pa rin na kahit papaano mapafeel sa anak niya kahit paminsan minsan na kumpleto sila and nakakasama niya mga magulang niya. Kung mahirap sa part nating mga babae na tanggapin yun, isipin rin natin yung nararamdaman ng bata na wala siyang kumpletong family. If you really trust your husband naman kasi wala kang kailangan ipangamba, pero dear, kung hindi ka naman talaga comfortable, tell him na ayaw mo ng ganung set-up and mag isip kayo ng pwedeng gawin para makapagkita sila ng mom niya 😊

Magbasa pa