Nag paalam sa akin ang husband ko na pwede ba daw nyang ihatid ang anak nya na nakatira sa amin sa mom nito kahit twice a month para makasama naman daw nya ito . Hindi ko pa sya sinagot sabi ko pag isipan ko pa muna . Shempre may something sila nong babae at nag kaanak pa sila bago naging kami . Papayag ba ako o hindi ? Ano ang dapat kung gawin ?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

To be honest, mahirap magsalita kasi alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Meron din akong mga kaibigan na may ganyang sitwasyon at iba iba ang paraan nila to deal with that concern. I have a friend na sumasama siya sa paghatid, pero sa kotse lang siya. Meron naman na hindi sumasama, kasi ang reason niya eh baka daw isipin ng asawa niya eh wala siya tiwala. Siguro ang mas mabuti eh pag-usapan ninyong mag-asawa kung meron ka man hesitations para makapagplano kayo kung ano ang magandang gawin. Kasi sa huli, tama din naman na kailangan din makasama ng bata ang mommy niya. By the way, nabasa ko lately yung blog nung wife ni Patrick Garcia. Baka sakaling makatulong din sa decision mo: http://www.nikkagarcia.com/a-boy-after-my-heart/

Magbasa pa