So nag ooverthink ako at lagi na lang naiipit sa nangyayare.
hindj kami magkasama ng asawa ko kasi di pa kami kasal, gusto nya na lumipat na kami sa bahay nila para makasama na kaming mag ina nya. kaso di ako makalipat dahil ayaw ng magulang ko dahil gusto nila na kasal muna bago mag sama. 20 nako at 21 na sya, ang sabi nila dati na may anak nako at may sarili na akong desisyon. pero nung nagdesisyon ako ayaw nila at sila pa ang magdedesisyon para saaken 😃 sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil yung gusto kong mangyare ay diko naman matupad. nag aaway na kami ng asawa ko dahil sa ginagawa nila, akala nila na bata pa ako. Ang gusto nila kasal muna, di pa ako handa dahil bata oa nga ako, mas gusto ko na mag sama muna para makilala ko sya ng lubusan kesa sa magpakasal agad. any thoughts? sobra nakong nasstress at sobrang bigat ng nararamdaman ko.