Ok lang bang hindi kumain ng kanin?

Naduduwal kc ako sa kanin netong pagtungtong ko ng 4mos,lalo pa't hindi ko rin naman alam kung anong gustong kong ulamin.Ayaw ko ng mga karne dhil mapait ang lasa ko sa mga karne.Ang nkakasundo ko lang kainin ay isda ar gulay.Last,last week,3days akong di nakain ng kanin.Pag nakaramdam ako ng gutom kakain lang ako ng pakonti konti ng tinapay,prutas,mahilig din ako sa pansit like bihon,taz gusto ko inumin e yung may mga lasang inumin,like fresh buko juice,bhira nman ako sa mga tinitimplang juice..Minsan mapait rin ang lasa ko sa tubig or mapakla naman.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

OK lang naman po yan meron ka naman pang alternate na source of carbohydrates. Ganiyan din po ako noon 1st trimester ko ilang subo lang sa kanin at karne. Kaya po yung hubby pag alam niya may gusto ako kainin noon pinipilit niya mabili agad kasi dun lang ako makabawi na makakain ng maayos. Tsaka bumawi naman ako sa gulay at prutas noon..

Magbasa pa

okay lang nmn siguro as long as may ibang carbs intake ka like yun nga pansit, at yung mga vitamins importante wag ma-skip. siguro pwede ka din uminom nung maternal milk para kahit paano na hindi ka makakain ng maayos , yung maternal milk complete na sa Vitamins.

okay lang Yan mi. ganyan din Ako halos lahat Ng gusto ko Wala Dito Hindi ko mabili kaya kahit naduduwal Ako kinakain ko parin . iniisip ko nalang mga gusto kung food . ganun tlga kailangan mag tiis. hehe

Yes. Hindi naman required mag-kanin. Hindi naman nagkakanin lahat ng tao sa mundo lalo kung hindi ito parte ng kultura nila. 😅 Find alternative source ng carbs.

Ok lang po yan. nagkakain ka naman po ng Fish at veggies. Carbs din naman po ang veggies at pansit so my pamalit naman. at sa protein my fish ka naman din po.

gnyn dn ako mhie ako nmn ayw ko ng isda ulm or krne gsto ko mngga hinog phrpan nmn s mngga at nd n pnhon dto s amin .

same po.. bumaba pa timbang ko. buti nlng ok ang panlasa ko sa mga prutas lalo na yung may asim na prutas

same tayo.... ako dn wla gana kumain ng kanin naduduwal dn ako prutas at isda yng kinakain ko at umiinom ng gatas

VIP Member

Ok lang naman po basta you eat fruits, veggies, and fish. Also iyong prenatal vitamins niyo po

pareho tayo.. 😞hindi ko din alam kung ano gusto ko kainin tapos mayat maya pa ako gutom