Kung ikaw ang nanay, anong gagawin mo?

Nabasa ko itong viral post sa Facebook. May isang mommy na nag-share ng conversation nila ng kaniyang kaibigang buntis. Pinagsabihan diumano siya ng kaniyang kaibigan na huwag masyadong mag-post ng pictures ng kaniyang baby dahil baka mapaglihian ito. Kung ikaw si Mommy, ano ang gagawin mo? Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mo? Full post ni Izza Navarro sa Facebook: "BLACK BEAUTY" So lemme share you guys a conversation of me and my facebook friend. I was about to go to sleep, but this lady sent me a pm. Gurl, I hid your identity not because I care about you, but because I want you to know how badly I am hurt by telling me these things and I am trying to be a bitch in a classy way. Alam ko marami akong sinabi and I think that I over reacted but can you blame me? Ikaw kaya na isang ina ang icha-chat ng biglaan tas sasabihin na ayaw nila makita pics ng baby mo dahil baka mapag lihian ng ibang tao? Hindi ka ba masasaktan? Hindi ka ba magiging OA? Hindi ka ba kukuda? Sh*ta kung ibang klase lang akong nanay, malamang pinuntahan kita sa bahay mo. Char. Kidding aside, hindi ko naman sinabi na tignan mo ang bawat mina-myday ko, diba? At lalong lalo hindi kita inoobliga na mag react sa picture ng anak ko! Okay lang sana sakin kung AKO ang binida mo sa usapan natin. Kaso ang pag sali sa BABY ko? Sis, you need Jesus in your life. Lol. Anyway, 2 accounts and meron ka, sana wag mo ako kalimutan i-block sa main account mo. Kung alam ko lang na icha chat mo ako para dito, sana hindi na lang kita in-accept. I'm sorry, but it is kinda sad to know na nanay ka 🙂 And one more thing? If people like you are telling or will tell me na pangit ang kulay namin? I DON'T F*CKING CARE. I AM PROUD OF WHAT GOD HAS GIVEN US. MY DAUGHTER IS BEAUTIFUL AND I HOPE YOURS WILL BE TOO. PS. I'm sorry, hindi ko ugaling mag post ng ganto sa fb pero kailangan niya malaman na MALI ANG GINAWA NIYA AT PANGIT SIYA. PPS. Mabait akong tao pero napaka pangit niya talaga. Char

267 Replies

ako nga nung naglilihi ako at naiinis ako sa nakikita kong mga petty posts, sinasabi ko lang sa asawa ko.. pero di ko sila sinasabihan ng ganyan, like hello? basic human decency yun 🙄 di porket naglilihi ka at naiinis ka or ayaw mo sasabihin mo sakanila para sila ang mag adjust, kasi alam mo sa sarili mo na nakakabastos yun. diba? kahit bilang tao nalang, at hindi kaibigan.. respeto nalang, kung ayaw mo makita pero laging nalabas, mute or snooze or don't want to see post (bagay na sinabi ng asawa ko kasi sabi nya masama yun kahit naglilihi ka di mo kailangan punahin lahat— na tama naman.. at naintindihan ko kahit pa naglilihi ako) pero kung ako yang minessage nya, isang beses ko lang syang rereplyan at ilalagay ko sya ignored message. saka lalo akong mag mmy day ng mukha ng anak ko.. kasi hindi ako ang iniinsulto mo, yung anak ko.. ininsulto mo na anak ko, sakin mo pa sinabi. how disrespectful you are, kung ayaw mo gawan mo ng paraan.. or much better contain it to yourself hindi mo kailangang imessage ako sa napupuna mo sa hitsura ng anak ko.

First of all, napaka-ignorante 'nung naniniwala sa concept ng "pinaglilihian" 🙄 duh? Nasa genes po 'yun, nasa dugo, nasa lahi kung anong magiging itsura / features ng baby. Wala 'yun sa ganda / panget / whatever traits ng tinitignan o pinagpapantasyahan ng nanay na maging kamukha ng anak niya 🤦 Ano ba 'yan?! Share ko lang po ha.. sarili ko nang ina ang gumawa nito sa akin ha. Hindi pa lumalabas ang baby ko, sinabihan ba namang kahihiyan lang daw sa kanya ang bata porke't hindi kami kasal ng tatay ng bata! No hindi niya mahal ang apo niya, mygad! Nilayasan ko talaga ang nanay ko at hindi ko na susustentuhan tutal wala siyang respeto sa akin at pagmamahal man lang sa apo niya. Sa akin gawin 'yan, baka hindi lang ganyan ang nasabi ko. Baka araw-araw ko siyang send-an ng pictures ng anak ko sa facebook, sa email at kahit saan ako may contact sa kanya. Tignan ko lang. Lol. Daming toxic na tao sa mundo, mygad. Kadaming problema sa mundo, dadagdag pa 'to?! 🙄🤦

VIP Member

I will tell her, “you are free to unfollow, unfriend or block me. Hell! I don’t care.” Ang facebook ginawa para maexpress mo yung mga bagay na gusto mo maexpress. Bakit papakealaman ang post mo? Eh di magpost ka din ng gusto mo. Sensitive din ako ngayon at pagmay mga ayaw akong post, macocontrol ko naman ng di ako nakakaoffend sa tao. Madame akong unfollowed friends lalo yung mga nega lagi ang post. Ayokong madagdagan ang stress ko kaya hanggat maaari, ako na yung lumalayo sa mga bagay na magpapanega lalo saken. Madame akong mga friends na asa spam ang messages at babasahin ko lang pag asa mood ako para di magcause ng kahit na anong negative sa pagitan namen. Madame din akong inunfriend/block para sure na wala akong makikita o malalaman tungkol sa kanila. Kapag buntis ka o super sensitive... madame kang options. Kontrolado mo ang account mo. Lalong lalo na ang buhay mo. Ikaw na lang umiwas kase madame ka makaaway.

well, for me color does'nt matter po.. yung baby ko maputi sya nung pinanganak ko.. kakulay ko.. pero hbng lumalaki nagiging kayumanggi kakulay ng tatay nya.. and his tita (mga kapatid ni hubby) always say na "nagiging kakulay na ni negs ah.. " (negs means negro and reffering to my husband). or minsan sasabihan yung anak ko ng negro liit.. at icocomment p sa fb.. i know minsan biro o nakasanayan na nila.. pero syempre baby ko yun.. kht p sabihing joke o katuwaan nila, that is my baby.. pero kahit gnun.. hnd ko nlng cla pinatulan.. kc isip ko sayang lang energy ko sa mga nega na tao.. if hindi cla happy sa life nila.. why should i be like them? kea hayaan mo na yang mga unhappy person na yan momsh.. as long as healthy c baby.. ok lng yn.. meztisa, morena, or even black.. any color is beautiful, cause having a baby is a big blessing from God..♥️

Bilang isang ina parang napakasakit naman atang ipamukha sayo ng ibang taong parang halimaw na anak mo na kesyo ayaw mapag lihian, jusko kulang sa aruga yang taong yan to think na magiging ina na sia soon. Kaya nga may mute/block in any socmed para may freedom kang wag nang makita ang mga bagay bagay na ayaw mo nang makita hindi yung dederetsahin mo pa yang tao. I’m not sure ha pero naglilihi man sia o hindi, hindi tama ang ginawa nia, wag gawing excuses ang kalagayan para pagtakpan ang kabastusan. Btw, bilib ako sa nanay na yan kung paano nia na-handle yung kagaspangan ng tao towards to her child, mabuhay ka momshie at wish ko lang dun sa inang maarte sana hindi nia matikman ang sarili niang gamot sa kapangitan ng ugali nia someday when it comes to her child.

VIP Member

Nakakaloka na. May nageexist na mga ganitong tao talaga. The elders always tell pregnant moms not to say bad things or bad words to others. Kasi di mo pa hawak ang anak mo. Baka lahat ng panglalait mo, mapunta sa anak mo. Sabi sabi lang naman yun. Sana wag mangyari sa anak niya. But then again, buntis or hindi wala siyang karapatang magsalita ng ganun. Perfect ba siya? At magkakaiba tayo ng standard ng beauty. At may mga komento na dapat sinasarili na lang natin. Hindi lahat dapat ineexpress lalo na't pwedeng makasakit ng iba. Kakaloka. Maputi, katamtaman or maitim, lahat sila ay beautiful/handsome in their own way. Dedmahin mo na yan. Baka di napa-breastfeed nung mama niya nung bata siya. Char lang syempre! Hahaha 🤣

I’d be anonymous kasi baka the person is here. Someone told me na one of my closest friend told him/her na mukhang tyanak ang anak ko. So dumalaw sya sa hospital para laitin ang baby ko? Sinabi ko sa kanya pero she denied. When she got pregnant, lahat na lang ginaya nya. Even kung san ako nagpa3D/4D. Pati mga post ko binookmark ata nya at tinandaan kasi ginaya. Point is, madaming cctv at agot sa buhay natin. Di maiiwasan at mawawala yang mga talangka na yan. Gawin mo lang magpapasaya sayo at imyday mo ang anak mo kasi proud tayong mga nanay sa anak natin forever.

I‘ll go with your pananaws momshie ❤️

VIP Member

Momsh don't mind her, go post ka Lang ng post ng picture ni Baby. I'm feel you Kasi proud mom din ako , everyday mga anak ko lagi ang pinopost ko. In the first place account natin to, we have the right for it. Pangalawa, hindi natin sila pinapakialaman Kaya wala din silang karapatang pakialaman tayo. Third, Hindi Naman natin sila inoobliga na panoorin o tingnan o I like yung mga photos o videos na pinopost natin. And lastly , wala silang karapatang manlait coz they are not perfect too. They have their own flaws and imperfections but we never critized it.

yung panglalait sa baby napaka below the belt na yun, walang baby na pangit, pero mga adult na pangit ang ugali marami. on the side, bilang nanay naiintindihan ko din yung happiness natin sa bawat kibot at pose ni baby. pero friendly advise lang wag mo ipost lahat sa social media, hindi lahat ng friend mo sa fb maganda ang iniisip sayo.some see you as competition or annoying or mayabang. please protect your baby. wag naman araw2. 24/7 at hundreds of photos. and pag lumabas totoong kulay ng mga fb friends mo whether relative pa or friend,blocked and unfriend na agad for your peace if mind

Medyo masakit nga yung pagkakasabi pero ganun din kasi ako naiinis ako sa grabe kung makapost ng pictures (hindi lang ng baby niya) kundi pati sila mismo. Tapos same mukha same background ibang angle lang ng mukha medyo nakakainis talaga. Pero in the given case, di ko naman kayang sabihin pa yun sa nanay ng baby. Masakit naman masyado. Unfollow ko nalang siguro or kung ano man pwede gawin para di ko makita stories niya. Minsan kasi, umay talaga. Real talk lang. I have nothing against you kung gusto niyo magpost. Nasakin talaga yung problema hehe kaya ako magaadjust.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles