Ano po ba maganda gawin kapag yung close friends mo na pinagsasabihan mo ng lahat napagod na sa'yo?

Naartehan sa'yo, hindi mo daw tinuntulungan sarili mo puro daw ikaw self-pity. Sa totoo lang sabay-sabay po kasi ang problem ko, plus worried pa dahil sa baby. Salamat sasasagot, hndi ko kasi alam mararamdaman ko if need ko ba mag sorry...

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nobody wants to hear you sing about tragedies. Kung puro negative, paawa at walang pagbabago sa sarili ang maririnig mo magsasawa ka din naman. Nakakastress din yun sa part ng mga friends mo. Kasi iisipin ka nila, iisip ng solusyon para matulungan ka or mapayuhan ka. Eh kung ulit ulit lang din naman tas walang bago. Pag pasensyahan mo na din sila, baka may problema din sila.

Magbasa pa
4y ago

Hindi ko po mean magpaawa as in Hindi talaga, nasabi Lang kasi na Sana daw masaya ako SA mga post ko sa Facebook na puro self pity at negative kasi nga malungkot ako Hindi ko Lang Alam bakit parang inaaway Naman ako, namimiss na daw nila Yung masayahin na ako, Sana Lang tanggap din nila Yung malungkot na ako hndi naman lagi masasaya Lang Ang nangyayari, kahit ako mismo naninibago sa nararamdaman ko. salamat din po sa pagsagot sguro need ko Lang din to mailabas