Share ko lang.

Naaawa ako sa asawa ko, feeling ko wala akong silbi. Since high risk yung pregnancy ko nag stop ako mag work. Pero di pa ko resigned, naka medleave lang ako at may nakukuha aki sa sss every month. Pero yung asawa ko talaga yung sumoshoulder sa lahat ng gastos. Bills, pagkain, groceries, vitamins namin ng baby saka mga checkup. Naawa ako sa kanya kasi wala naman sa plano namin na mabuntis ako. Alam ko madami pa syang gustong ma-achieve at hindi nya talaga priority yung magkababy. Ako gusto ko na. Pinagbigyan nya ako kasi gusto ko na. Di pa nga kami kasal nung nabuntis ako eh. Naikasal kaminsa church nung 2 months preggy na ako. Feeling ko naitali ko sya ng sobrang aga. Never ko naman syang narinig na nagreklamo or sinumbatan ako. Sobrang bait nya at sobrang responsable. Nakokonsensya lang ako kasi nilagay ko sya sa sitwasyon na hindi pa naman sya ready pero pinipilit nyang maging ready para samin ni baby. In return naman pinagsisilbihan ko sya kahit hirap na akong gumalaw kasi yun lang ang magagawa ko para sa kanya sa ngayon. Hindi nya rin ako pinepressure na bumalik agad sa work pagkapanganak kasi sabi nya kaya naman nya. Medyo malaki din kasi sinasahod nya at kaya nya talaga kaming suportahan ni baby kahit di ako mag work. Pero ayoko ng ganun, nahihiya ako sa kanya, sobra. Never din syang tumingin sa iba or nagcheat sa akin kahit ang dami naman mas better sa akin. Di naman kasi ako ganun kaganda compared sa mga nakakasalamuha nya sa araw araw. Artistahin kasi yung asawa ko. Lol. (Sana kamukha nya baby boy namin). Kahit ang itim na ng batok at kili kili ko, saka sobrang taba ko na at magang maga ang ilong ko, sinasabihan pa din nya akong maganda kahit di naman talaga. Wala, sobrang swerte ko lang sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko nung past life ko para madeserve tong tao na to. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigay nya sakin yung asawa ko. ❤

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

swerte nyo namn po