Share ko lang.

Naaawa ako sa asawa ko, feeling ko wala akong silbi. Since high risk yung pregnancy ko nag stop ako mag work. Pero di pa ko resigned, naka medleave lang ako at may nakukuha aki sa sss every month. Pero yung asawa ko talaga yung sumoshoulder sa lahat ng gastos. Bills, pagkain, groceries, vitamins namin ng baby saka mga checkup. Naawa ako sa kanya kasi wala naman sa plano namin na mabuntis ako. Alam ko madami pa syang gustong ma-achieve at hindi nya talaga priority yung magkababy. Ako gusto ko na. Pinagbigyan nya ako kasi gusto ko na. Di pa nga kami kasal nung nabuntis ako eh. Naikasal kaminsa church nung 2 months preggy na ako. Feeling ko naitali ko sya ng sobrang aga. Never ko naman syang narinig na nagreklamo or sinumbatan ako. Sobrang bait nya at sobrang responsable. Nakokonsensya lang ako kasi nilagay ko sya sa sitwasyon na hindi pa naman sya ready pero pinipilit nyang maging ready para samin ni baby. In return naman pinagsisilbihan ko sya kahit hirap na akong gumalaw kasi yun lang ang magagawa ko para sa kanya sa ngayon. Hindi nya rin ako pinepressure na bumalik agad sa work pagkapanganak kasi sabi nya kaya naman nya. Medyo malaki din kasi sinasahod nya at kaya nya talaga kaming suportahan ni baby kahit di ako mag work. Pero ayoko ng ganun, nahihiya ako sa kanya, sobra. Never din syang tumingin sa iba or nagcheat sa akin kahit ang dami naman mas better sa akin. Di naman kasi ako ganun kaganda compared sa mga nakakasalamuha nya sa araw araw. Artistahin kasi yung asawa ko. Lol. (Sana kamukha nya baby boy namin). Kahit ang itim na ng batok at kili kili ko, saka sobrang taba ko na at magang maga ang ilong ko, sinasabihan pa din nya akong maganda kahit di naman talaga. Wala, sobrang swerte ko lang sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko nung past life ko para madeserve tong tao na to. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigay nya sakin yung asawa ko. ❤

79 Replies

buti kayo ganyan mga partner nyo, swerte nyo! ako kase minsan tinatanong ng partner ko kung hndi ko ba daw kaya magwork? tapos naisusumbat pa nya minsan na hindi ako makapag work kahit buntis ako. nakakapanglumo lang 😔 wala ako masabihan nito kinikimkim ko na lang at pinapasa diyos na lang.. sana katulad din ng asawa nyo yung asawa ko..

Hi mommy! Ok lang yan maiintndihan naman yan ni hubby nasa high risk ka nga ng pregnancy mo kaya dapat talaga bed rest ka muna.. your lucky kasi halos lahat ng character na gusto ng isang babae nasa husband muna. Basta mahalin mo na lang at alagaan si hubby para kahit pano makabawi ka din sa kanya havang nasa bahay ka lang.

Hayss ako din po ganyan. Tinanggal po kamo sa trabaho last march 31 then nadiscover ko na buntis ako 2 months. Tpos since nag 6 months ung tyan ko hubby ko at mami ko na ung nag babayad ng check ups at meds ko kasi medyo maselan ako mag buntis :( iniisip ko nlng na babawi ako pag nakalabas na si baby.

Bawi ka nalang sa kanya through words and simple acts of service. Treat him the best way possible. Serve him and always be there for him. ❤️ Consider yourself so blessed for having a man like him. This coming father's day you can also prepare something for him. Make him feel appreciated. ALWAYS.

Swerte mo momy.,wag ma guilty pag silbihan at mahalin mo lng sya sapat na yun at magpasalamat ka lage sa kanya.,nkakawala ng pagod yan.,hubby ko rin minsan naiinis na ako kasi palage nya sinasabi sakin ang ganda ng asawa ko hehe feeling ko para akong bata na inuuto nya.,😁

Ako maaga akong nagleave 3 mos.since i have subtonic hemorrhage ayun kasi advice ni ob ko. pero para makatulong nag oonline selling ako ng mga trending na gamit ngayon. ayun nakakadagdag gastos. saka wag kang mahiya mamsh responsibilidad nya yan.

VIP Member

I feel you sis. Ganyan na ganyan din LIP ko. Til now na nanganak na ako hindi siya nagrereklamo sa gastos kahit na alam ko na minsan hindi talaga maiwasan na hindi mashort sa budget pero kinakaya niya. ❤️ Swerte daw kasi kami ni baby sakanya.

Ask lang mamsh, Ano finile mo sa sss at every month ka may nakukuha kay sss? Kasi ako, di rin ako resign. Bed rest ako for 3months at kapag maselan padin ako baka deretcho maternity leave na ako. Finile kasi ng company ko sickleave sa sss eh,

Don't feel guilty momshie, kz believe me mahal at gus2 nrn nia na mgkababy kau. Deep inside happy xia kz my little angel na kaung dlawa kya erase2 na gnyan na mga thoughts mo momshie, just continue to be a good wife and soon to be a mother:)

VIP Member

you re so lucky mamshie😍 alagaan nyo lang din relasyon nyo and pati sya, ako din lucky din sa napangasawa, sadyang may mga lalaki pading matino talaga♥kaya sana lahat ng nagkaroon ng hindi magandang lovelife,wag mawalan ng pag asa♥

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles