Any tips paano makatulog sa gabi?

Na-try ko nang uminom ng gatas, maligo, wag mag cellphone, magpatay ng ilaw para lang makatulog pero wala parin. Nakakatulog man ako, sobrang saglit lang at pagising gising din ako. Natatakot na ko baka mapano si baby dahil lagi akong puyat. Napansin ko din na mas nakakatulog ako sa umaga o hapon which is ayoko naman ng ganun. Syempre maayos na tulog parin gusto ko. PLEASE HELP ME. ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello. We have the same situation. Hehe 🤣 though sabi dra ilipat ko raw sa gabi yung paginom folic at inom gatas. Siguro mommy kung di ka maselan magbuntis magexercise ka around 6pm para makaramdam pagod body. Kahit 30 mins walking lang. Ako kasi nakabedrest kaya di makaexercise.

Baka po kaya hirap na kayo matulog sa gabi kasi nakakatulog naman pala kayo ng maayos sa umaga. :) noon kasi ganyan ako pag nakatulog ng umaga hirap na matulog sa gabi. Baka nasanay na po yung katawan niyo sa ganung oras.