Pre-Eclampsia
May na pre-eclampsia na po ba sa inyo?
Me naman momshie,post partum pre eclampsia. After ko manganak 2days after siguro yun,nagmanas bigla paa ko,pero nawalan din ilang araw. Tapos madalas sumasakit ulo ko,nawawala pero bumabalik din agad. Kaya ko pa naman hanggang sa nag3days,nagpm ako sa ob ko,sabi ko doc normal lang po ba sumakit ulo,pang3days ko na po ngayon. Sabi niya baka daw post partum preeclampsia ako,pumunta na daw ako dun immediately kasi baka mapano ako,that day di pa ako nagpunta kasi nawala sakit ng ulo ko,kumakain panga ako ng balot nun pero di ako kumakain sisiw tsaka nagpupugo pa ako. Di naman namin inisip na mataas bp ko,kasi never nangyari sakin yun. Eh nung time na yun dko alam yung post partum pre eclampsia na ganyan sa buntis. Sa first baby ko never ako nagkaganyan kahit super stress ako. Sabi ko sa ob ko doc nawala naman po sakit ng ulo ko,sabi niya pag nagpabalik balik pa daw pumunta na ako dun. Umabot ng 1week sakto follow up ko sa ob ko,pumunta ako mag isa,kasi wala magbabantay sa baby ko,dpa siya pwede ilabas,kaya asawa ko nagbantay. Nung pumunta nako sa hospital 2nd floor pa yun,tinamad ako mag elevator,naghagdan pa ako paakyat. Nung ako na chineck up,nagbp ob ko saken 180/109. Edi nagulat kami parehas. Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko. Binigyan ako ng gamot 2 sunod. Di parin bumaba bp ko,pinagpahinga ako dun sa examination room. Naadmit nako kasi dpa din bumaba bp ko,sumakit padin ulo ko. Nagdadasal ako,panay dasal. Sabi ko sa asawa ko kung mamamatay na ba ako? Kasi hirap nako e. Mga doctor nagkkwentuhan pa doon na kesyo may ganyan sila pasyente nagseizure,tumitirik mata etc. Natakot ako. Pero di ako nagpadala sa takot. Dasal pa rin. 3days inabot ko sa hospital. Awa ng dyos eto normal na palagi bp,monitoring ng bp sa bahay palagi. Hehe. Sensya na napahaba.๐
Magbasa paNaku wag po natin ipagwalang bahala ang BP. I had gestational hypertension si nagmaintenance po ako ng methyldopa. Then while I was on labor, nag 190/110 ang bp ko buti magaling si OB at mga labor nurses ko, napababa ang bp ko bago ko manganak. Then I witnessed another preggy same bp with mine, ayun nagseizure. As in nung nakita ko sya umuungol at bumubula bibig, super dasal ako while quietly crying kasi natakot ako na possible pala un nangyari din sakin pero buti na lang hindi. Anyway, nawala din naman hb ko after manganak.
Magbasa pahello pwede po pahelp. ako din po may postpartum pre eclampsia. 6days after cs pataas taas din bp ko, nabigyan napo ako magnesium sulfate anti convulsion. Amlodipine ako once a day. sobrang nagkaka anxiety po ako everytime nakikita ko mataas bp ko kasi natatakot ako mamatay iyak ako ng iyak. kagabi po, nahihilo nanaman ako kaya naglagay ako basang tpwel sa leeg para makasleep pero diko na chineck bp ko kasi baka mataranta ako lalo tumaas ma er nanaman ako.
Magbasa pasame po tyo ng case momsh, two months na ko nag memaintenance ng amlodephine , pag chinicheck ko din pb ko natatakot ako kaya lalo ntaas bp ko. kmusta kna po ngaun momsh
me 38weeks,nag 170/100,check up ko lang talaga pero nag tuloy na ko ma confine for observation ng 1 day kinabukasan na cs na kasi hindi po nag bago yung bp ko bumaba lang siya ng 150/90 nung pinag take ako ng med,pag labas po ni baby kailangan pa niya mag oxygen and lumapot po dugo niya pero thank god 1month na and ok na ok na po siya โบ,,ang mahirap lang yung bp ko hanggang ngayon may problema pa din may time na bigla siya nag 140/90..
Magbasa paSuspected pre eclampsia po ako, naglalaro BP ko from 130/90 to 160/110, naconfine na ako recently pero dahil na control din ang BP ko, na pababa, umuwi na muna ako. Sobrang aga pa kasi para ilabas si baby, 28 weeks pa lang. Ngayon nagtitake ako NG maintenance 3x a day, and praying na sana umabot kami ni baby sa due date na March 2020
Magbasa paLow salt and low fat diet ang recommended nila. Tapos may gamot na 3x a day iinomin.
ako momsh severe pre eclampsia po, nag 210 /100 bp ko nung 36weeks kaya na emergency cs ako. Nagdidiliryo nako nung nakahiga sa emergency , andami tinurok sakin sa ibat2 part ng katawan, nagka post partum eclampsia din po ako nagmemaintenance ako ng amlodipine , buti nlng God is good ,tas magaling dn ob ko. mag 3mos na ngayon si lo
Magbasa pailng months k n pong ngmmaintenace
Ako ng pre-eclampsia ako 2 beses ako nconfine pra mamonitor ang bp ko ng maintain din ako ng metyldopa..sa awa nmn ng diyos nailabas ko ang baby ko ng 37 weeks and 2 days via cs kaya lng maliit sya 1.8 kilos lng sya ng ilabas ko epekto daw un ng pagtaas ng bp ko sabi ng ob ko...after ko manganak ng normal n bp ko
Magbasa paYup...2 tablets every 8 hours
Yes po, 39weeeks na ko nun. Taas lagnat ko 38.6 temp ko, dinala na ko sa ER then naconfine na, nagtry pa na i-induced ako but in the end na emergency CS ako ksi bumaba na heartbeat ni baby. Then after birth, ung BP ko umabot ng 140/100 pero naagapan uminom lng ako anunang herbal sya.
Me, nag 180/110 po bp ko at my 35 weeks kaya napa emergency cs ako kasi di na bumababa bp ko. And thank God, ok kami ni baby ko. 2kgs siya ng lumabas ngayon 7 kgs na at 4 mos. ๐ dasal lang talaga kay Lord.
Hindi na po kasi 2kgs yung weight niya, mabigat for 35 weeks, pero pinag NICU siya for observation. Thank God ok naman baby ko. โค
yes, me sa unng pregnancy q po, 130/80 nga lg pinkmtaas q, ngtake ako ng gamot then diet rin, unfortunately aftr 2wks nwln heartbeat ang baby q. pro ibng cases nmn nksurvive baby nila
kaya nga po, sakit tanggapin, andami nmn na mga preeclamtic babies na nbuhay bat ung akin di na umabot sa due, 34wks na xa ng mwln ng heartbeat, ngstrt tumaas bp q at 32wks. . .
Dreaming of becoming a parent