trip ka ni hubby

Na-experience or na-eexperience mo bang lagi kang iniinis o inaaway ng hubby mo? Ako oo. At dahil nga preggy ako at ftm din mabilis akong magtampo at minsan pa nga naiiyak dahil sa ginagawa niya. Tapos siya tatawanan ka lang. Ang lakas ng trip niya. Sabay magsosorry at ihuhug ako. Ang bilis ko daw kasing umiyak kaya natutuwa siya. Minsan gusto ko na talaga siyang sapakin sa inis ko. Pero natutuwa ako at the same time. Kayo ba mga momsh?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin ang laging pang inis niya eh nangingitim daw kilikili ko tas pawisin ngayong preggy ako. Lagi niya sinasabi ew yak daw. Ako minsan naiinis minsan hindi. Kasi medyo nababahala ako baka magaya ko ate niya na umitim masyado kilikili nung nagbuntis tas hindi na bumalik dating kulay ng kilikili nila.

Magbasa pa