Mapakinggan lang po ako sapat na thank u po😞

Mukha na daw po akong matanda sabi ng asawa ko. Sakit lang para sakin, knowing na 2 kids inaalagaan ko 8 at 2 years old boy na sobra likot at kulit. , nagsideline po ako tinda ng street food sa bahay at the same time grade 11 student po ako😭. ldr po kami 2 taon na 10 days palang po anak ko ng umalis siya magisa ko lang po lahat. Any advice po? Sakit lang po sa loob. Pero diko nalang po pinapahalata dahil alam ko pagod din po siya sa trabaho 😭 siguro nga nalosyang nako, diko napo kasi gaano iniintindi yon dahil sa relihiyon po namin bawal din magpaayos, tsaka mejo stress po ako sa school kasama na din na nakikitira lang kami sa side ko, lahat ng stress minsan karga ko lahat😭 pero di naman po ako ng rereklamo. Ngayon lang bigla niya nasabi yon, samantalang bigat po ng nararamdaman ko dahil prob dito tinitirhan namin i choose lagi to smile at okay pag haharap sakanya para di makadagdag sakanya kaso eto pa pala 😞 sensiya na po kayo alam ko may mga kanya din po kayo problem. Palabas lang po ng akin, mabigat napo eh😞

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alam mo sis same tayo ng sitwasyon.nag gain ako ng weight after ko manganak sa 2nd child ko.pero i try harder na magbawas ng timbang.nag gym ako pero ang masakit yung partner ko pa mismo nagsabi na di na ako papayat kahit ano pang gawin ko.di nya alam cause ng pagtaba ko eh stress.tinatak ko talaga sa isip ko yun.hanggang nalaman ko na nagcheat sya.mas lalo ako nagpursige na magpapayat para sa sarili ko.nag-ayos ako.yung taong dapat na nakasuporta sakin sya pa yung unang nangdiscourage sakin.eventually,naglose ako ng weight.di nya akalain magagawa ko.naghiwalay kami nun for 2years dahil sa cheating nya.gusto ko iparealize sa kanya yung mali nya at yung importance namin na pamilya nya.pinakita ko na kaya ko kahit wala sya.good thing lang kasi di ako dumepende sa kanya.nagwork ako eversince.kaya payo ko sayo sis,alagaan mo yung sarili mo.hindi dahil sabi ng asawa mo o nung kung sino.pero para sa sarili mo.bumalik yung confidence ko nung ginawa ko yun.

Magbasa pa
Related Articles