Being a mother

"A Mother's Silent Scream" Being a stay at home Mom without a yaya and a helper is ngarag. If you see a Mother in social media na nakakalabas labas ng bahay ng siya lang, nakakapag work out, nakakakain ng maayos at nakukuha pang magpaganda. Believe me, that Mother has a village! Tayong mga walang back up, yung onting oras na nababakante pag natulog si baby ayun na yun lahat. Liligo, kakain, lalaba, linis, hugas plato, CP at raket. Wala tayong time para mag solo flight. Masaya maging Ina. Yung joy na binibigay ng bata is priceless. Something a Mother will not trade for anything. Pero hindi porket masaya at fulfilling eh hindi na namin need ng tulong. Hindi porket we made parenting easy eh wala na kaming ibang needs. We are separate individuals. We have our own needs. We need our own time. This is the saddest thing about being a Mom. You are married, but you are raising your kids alone. Mula pag gising ng anak mo, hanggang pagtulog si Mama. Wala man lang break. Gusto mo man umalis ng bahay, but you have to bring the kids. Gusto mo umalis mag isa pero di mo magawa because of guilt. There's something at the back of her head saying pag iniwanan mo silang lahat sa bahay, disaster ang mangyayari. Married but raising the kids alone is completely one sided. That's even worse than being a single parent. Atleast kung single parent ka, alam mo na ikaw lang in this. But if you're married, you expect na dalawa kayo dapat. Pero bakit parang ikaw lang mag isa? Mothers need time for themselves, too. We enjoy motherhood, that's 101% accurate. Pero hindi ibig sabihin ito nalang yung gagawin namin hanggang mamatay kami. Mom and Dad should be equal when raising the kids. Hindi dapat pipitch in lang yung isa pag good mood na. Hindi pwedeng pipili ka lang ng oras mo kung kailan convenient sayo. Do your part as a parent. We don't need to constantly remind dads na ikaw naman. Be sensitive to your wife's needs. Be sensitive to her emotions. Look at her, blooming paba siya? May lakas paba? Need ba niya matulog muna? Pagod na kaya siya? Yes, pagod na si Ma. She's screaming inside, "Pagod na pagod na ko! Gusto ko mag isa. Gusto ko umalis. Gusto ko maging tamad. Gusto ko magpakalasing. Gusto ko ng time out. Pagod na ko." Hindi mo maririnig to. But a Mother's Silent Scream are her tears.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kelangan natin maging matatag na mga nanay 🙂 laban lang! Mommy: Haaay! nakakapagod! 😪 Daddy: Nandto ka lng sa bahay napapagod kapa. Mommy: Ayun na nga eh. buti pa kayong napapagod sa trabaho sa labas e may sahod, may breaktime, kumpleto tulog. E kami? Wala kaming sahod, breaktime, at kumpletong tulog. Pero kung makautos kayo minsan at makapagsalita sa amin, para nyo kaming pinapasahod! 😂

Magbasa pa

I couldn't agree more!

Post reply imageGIF