Baby Girl out exactly @39 Weeks FTM

Most uforgettable, traumatic, yet best feeling ever. Edd: Nov 25 Nov 17, ng tanghali medyo uncomfortable na yung feeling ko. Medyo sumasakit na ang lower back ko and mild menstrual cramps. Hindi ko pinansin baka kako pagod lang kasi namili ako sa palengke. 11PM nag-worst ng konti at hindi na nakatulog. Nov 18 at 12MN nagsimula na yung sunod-sunod na pain. Sinubukan kong orasan. Iba-iba yung pain interval may 12Minutes, may 6minutes , mayron din 3. By 3am, I texted my Midwife regarding my situation and she told me I’m on labor na daw so we decided na magpunta ng Lying-in. Pagka-IE sa akin close cervix pa pero malambot na (more than a week na akong nagtetake ng eveprim 3x a day), with walking, squatting and Pineapple. So, uwi na kami. Pinapasoo ko muna si hubby sa work kasi sabi ko matagal pa ito. By 3PM I decided na bumalik ng Lying-in para ma-IE and there I was 2-3cm that time. Pain interval 5minutes na lang may times pa na 3. Medyo hindi na kinakaya ng lola niyo. After an hour I had a brown discharge with foul smell. Dedmahin ko daw sabi ni Midwife. Okay po haha. 7pm balik kami ni hubby sa Lying-in stuck at 3CM. May bloody mucus plug na din ako. 11Pm sched ng balik ko. Dumating na din yung OB na magpapa-anak sa akin and the pain is unbearable that time I was at 5CM. Nagmamakaawa na ko sa OB ko na baka may pwede iturok para mabawasan ung pain kasi hindi ko na talaga kinakaya. Napapasigaw na lang ako sa sakit pero hindi ako maka-iyak and I don’t know why. Dahil 1 bed lang ang capacity ng Lying-in and may nanganganak that time they decided na dalhin ako sa kabilang branch sa Pembo Makati. Nov 19, 12MN IE 6cm shet ambagal ng progress so sinalpakan na ako ng eve prim sa pwerta at yung isang gamot para makadumi ako. Regarding the pain? Para na akong mashushutay sa sakit. 1am, IE 7cm tinulungan na ako ng Midwife na ibuka cervix ko. At 2:30am 8cm na. By 3:40 9cm water raptured na din at tinulungan ulit ako ni Midwife ulit para lalong bumuka cervix ko then gotcha baby 10cm na ipasok na daw sa DR sabi ni Doc. 4:09 best time ever BABY OUT at 2.4kilos after a long painful labor journey. Kaya pala matagal bumaba si baby kasi maigsi ang pusod niya. Team November praying for your safe and fast delivery. Makakaraos na din ang lahat. Ps. Akala ko aabot pa ng 22 bago lumabas si baby bday kasi ng Daddy niya 😊 Pps. Nahiwa hanggang erna dahil sa masikip na sipit-sipitan 😂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles