Frontliners + Tumaas Ang Hospital Bill Dahil Sa PPE
Months bago pa man ang lockdown tinanong ko na yung OB ko kung magkano package sa mga hospital na pinagpapaanakan nya, sabi nya kay hospital 1-25k, kay hospital 2 - 35k less Philhealth na. So nagdecide ako na sa hospital 1 ako manganganak. So 35 weeks na yung tyan ko and hindi na ko nakapagpacheck kaya chinachat ko na lang sya. Tinanong ko uli sya kung magkano ang normal delivery sa hospital 1 and 2. Sabi nya kay hospital 1, 35k na kay hospital 2-45k na dahil need na magsuot ng PPE pag nanganganak. Pero dahil lockdown nga d naman kami makaaccess sa hospital 1 plus tumaas pa yung bayad kaya nagpunta kami sa pinakamalapit na lying in kanina dahil panay panay na yung sakit ng tyan ko. Pero sobrang nadismaya ako sa kasungitan ng nga frontliners duon. Last check up ko kasi dun is 7 weeks tas bumalik ako ngatong 38weeks na tung tyan ko. Sabi nung nasa front desk "Sa iba ka na pala nagpapacheck up eh bakit d ka na lang dun manganak tas babalik ka dito porket lockdown na." So sinabi ko yung mga reasons ko kung bakit nagchange na ako clinic, na Saturday lang available time ko tapos pag pupunta ko hindi na ako umaabot sa cutoff nila. Pagpasok ko sa IE room yung isang frontliner naman ang nagsungit sa akin." bagong lipat lang yan dito ha, mahal daw kasi sa (ospital name) at lockdown." Medyo na degrade ako sa ginawa nila. Nagagalit sila dahil lumipat ako ng clinic tas bumalik uli ako dun para manganak na. Buti di pa ako manganganak. Gusto ko silang sagutin pero may pumupigil sa akin at nagsasabing patience, patience, wag mong patulan.