77 Replies

Yes po monthly ang check up. Private hospital din po ako. Once pa lang na ultrasound (transV) nung 8 weeks tummy ko. Then susunod ko pong ultrasound sa 23'rd week ko na po sabi ni OB hopefully may gender na si baby sa 2nd ultrasound ko. From 3rd Prenatal check up ko po upto present puro doppler lang kami sis pinapakinggan heart beat ni baby, thank God normal heart ng baby ko palagi. Don't worry sis kung hindi ka palagi nirerequesan ng ultrasound ng ob mo. Ibig sabihin lang nun healthy si baby mo. Usually kasi panay request ni ob ng ultrasound kapag hindi okay si baby or mommy para mamonitor ni ob si baby. As long as normal ang heart beat ni baby kapag nakikinig kayo ng ob mo sa doppler wala kang dapat ikabahala. Isa pa, magastos kung monthly ka magpapaultrasound.

Yes monthly din en doopler for heartbeat n baby en den skin ung VS q den ung mga laboratory q just like hiv or std lab glucose test cbc at iba p. may congenital ultrasound din but now every two wiks n meet nmin ng oby q kc malpit n due q. My utra sound uli aq dis coming wik para malaman n ung position n baby.

Nung nalaman ko na buntis ako which is 9 weeks na si baby pinabalik ako ng OB ko after a month, then monitor lang kmi ng heartbeat ni baby then nag pa request lang sya ng lab test to monitor ung blood at urine. Then ni require nya ako na monthly check up for monitoring. So far puro doppler palang ako.

yes sis. monthly ang check-up and syempre every check up the OB checks the heartbeat ni baby. :) pero sa ultrasound, isa lang ako. ung CAS on my 7th month. hehe. after nun, wala ng ultrasound. and when you reached 8 to 9 months, magiging weekly na po ang check-up. :)

Yes monthly ang check up. Once mga 33weeks na saka sabihin ni ob na every 2 weeks na check up then pag malapit na every week na. Ultrasound nmn pag ichecheck lng ang gender, 5-6 months. Every check up, tlagng ichecheck ni doc yung heartbeat ni baby if within normal pa.

Yung check up ko monthly pero ang ultrasound kahit 2times or more dipende Ku g makikita Mo na agad Sa ultrasound ung gender Ni baby! yung sakin kasi di agad nakita kaya next month uulit uli ako. Pero pag heartbeat Ni baby every month cnichecheck yun. 😁

Okay lang yan. Normally , iu ultrasound ka isang beses sa first trimester and second. Pero once mag 3rd tri ka, dadalas yung ultrasound , ako every 2 weeks inu ultrasound nun starting 32 weeks tapos everyweek ultrasound ng 37 weeks

Super Mum

Yes monthly po check up pero ang ultrasound is hndi monthy. Nung first tri TransV mga 2x then nung 5 months ultrasound to know the gender, at yung huli is nung mga 36weeks nako, Bps para malaman ang level ng ambiotic fluid.

Monthly lang check up, unless maselan po pagbubuntis at may mga complications. Ultrasound po kung may kailangan lang icheck. Doppler every checkup need talaga para malaman kung ayos lang heartbeat ni Baby

Monthly ang checkup and kada checkup chinecheck ni OB heartbeat ni baby thru doppler. Pero hindi naman monthly ang ultrasound unless siguro if sensitive ka or may need na imonitor sayo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles