One month pa lang simula nung bumukod kami ng asawa ko. May 14 months old baby na kami.
Madalas ang tulog nya 2am kakalaro at ang gising nya ay after 12-14 hrs pa.
So simula sa umaga hanggang paggising nya, ako lahat nag iintindi sa bahay at kay baby. Luto at hugas, paligo kay baby, weekly laba (matic washing machine naman gamit namin so nagsasampay na lang talaga ako), weekly tiklop din. Kanina parang napagod na ako. Sobra na. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos ganyan ang oras ng gising nya. Kapag gising naman sya ng umaga around 7am, ibig sabihin nun di pa sya natutulog.
Pagkagising nya ng alas dos ng hapon, magcecellphone na yan, maglalaro sa cp o kaya manonood ng tv. Halos ganyan lang ang routine nya araw araw. Work from home kami pareho pero hindi everyday kami may ginagawa.
sa breakfast at lunch madalas kami lang ni baby ang magkasalong kumakain dahil tulog pa sya. Gusto ko sana na kasama namin sya kumain para at least may bonding kaming pamilya. Makasabay man namin sya kumain, siguro 10x a month lang. Kapag dinner naman, di rin palagi nagkakasabay dahil busog pa sya bandang 7pm kasi kakatanghalian nya lang ng alas kwarto ng hapon.
Ang dami ko lang realizations ngayon araw na to. Parang di pa sya handa magpamilya talaga. Feeling binata pa rin na hindi ganun karesponsable o maasahan pagdating sa bahay. Although nagwawalis at mop sya tuwing gabi. Kapag sya naman pinaghugas ko ng pinagkainan namin sa gabi, jusko aabutin pa ng madaling araw dahil inuuna manood o maglaro. Ang ending ako rin ang naghuhugas after ko mapatulog si baby. Ayoko kasi ng matagal naiiwan ang hugasin sa bahay dahil nagccause ng ipis at daga yun. Sabi nya ang OA ko daw.
Sorry ha mga ma ang gulo at labo labo ng kwento ko.
Balik tayo sa feeling binata. Sabi ko sa kanya bumalik na lang sya sa kanila kasi sa totoo lang hindi ko kailangan ng isa pang pagsisilbihan. Itong bahay namin ngayon bigay sakin to ng magulang ko pero sa kanila pa nakapangalan. Parang gusto ko nga sakin na lang ilipat ang titulo nito, wag samin ng asawa ko. Para anytime pwede ko sya mapaalis at wala syang habol dito sa pinaghirapan ng magulang ko.
Ayun lang mga ma. Naglabas lang ako ng saloobin. Di ko na kasi kaya. At ayoko naman magpost sa facebook dahil pareho kaming masisira