Hi momshies, newly wed kami ni hubby. Ngayon, gusto ko na bumukod at magpagawa ng sarili naming bahay pagkapanganak ko kasi naisip ko na kapag lumalaki na si baby mas malaki ang gastos. Tutal may konting ipon naman kami at willing naman tumulong family ko sa gastos (family kasi nya gumastos sa kasal). Tama po ba yung gusto ko? Gusto kasi ni hubby na paglaki nalang daw ni baby. Gusto ko kasi yung may matawag na kaming amin talaga. Yung nakalap namin sa kasal, yun ang para kay baby tapos may SSS pa naman ako, kasya na siguro kay baby yun paglabas nya?