Need advice po
Kanina po sinabi sa akin ng asawa ko na pinapipili daw po sya ng magulang nya. Sino daw ung pipiliiin nya silang pamilya nya o kami ng anak nya. May 11months baby ako at 5months pregnant ako. May konting di pagkakaunawaan lang naman kami pero di ko alam bat kailangan sya papiliin ng magulang nya. Ang gusto ng pamilya nya piliin sila at kalimutan kami ng asawa ko. Sabi ko bat sila nagtatanong ng ganyan. Bat kailangan mo pang papiliin. Saka bat pati ung mga bata idadamay nila?bat ganyan sila mag isip? Ano po ba dapat ko gawin? Salamat po #pleasehelp #advicepls #pregnancy