KASAL
Hi momshhh. May plano po kaming magpakasal ng boyfriend ko, kasi po buntis na ako. So ngayon po yung budget po sa kasal ang pinagtatalunan namin. Mas mataas po sahod ko sa kanya dahil gov. employee po ako kaya po ang suggest niya magloan po ako para sa kasal namin kasi mas mababa po interest sa pagloloanan ko. Kung siya po kasi magloloan 10% a month ang interes. Naikwento ko po sa mga kasamahan ko sa trabaho na ganun nga po balak namin, pero sabi nila wag daw ako pumayag. Dapat daw lalaki lahat gagastos o kaya 50/50 kami. Pero either siya ang gagastos lahat o 50/50 kaylangn niya pa din magloan na may 10% interes nga po a month. Ano po ba mga momsh, 50/50 po ba kami o ako nalang magloloan kasi mas mababa interes sa lending company na paghihiraman ko ng pera. Sabi naman niya po sa ako na hahawak ng atm niya kapag kasal na kami kaya ako na bahala sa lahat ng pera namin. Parang ang dating po kapag ako nagloan babayaran niya yung inaawas sa sahod ko gamit yung sahod niya.

Sabihin mo dapat 50/50.kayo. magloan ka dapat magloan din sya. Explain mo sa kanya na baka kulangin din ikaw sa maloloan mo maige na yung may nakareserba na perA. Kung hindi man kulangin pwede naman di magalaw yung niloan nya. Atsaka may income na agad kayo pag pasok ng panibagong buhay bilang mag asawa. Ganyan ginawa namen mag asawa nun Kase halimbawa. Kung sa judge kayo mag papakasal mura na dun atsaka di hassle. Ang magagastos mo langdun yung babayaran sa judge at yung pagpapakain mo sa mga bisita mo. Meron din naman para tipid din sa kasalang bayan. Pag kain lang ng bisita gagastusin mo tsaka yung isusuot nyo mag asawa. Atsaka give away kung gusto nyo At ito Base on my experience kase pinaka cheaper na kasal worth 120+ thou.Ang magagastos mo dun may sponsor pa yan ha. Kung sa simbahan kayo mag papakasl Budgetin nyo nan dalawa muna para may idea kayo kung mag kano magagastos nyo.pag napakasal .for sure kukulangin yang maloloan mo teh pag sa simbahan ka nag pakasal Mga gagastusan nyo Simbahan, ninong ninang, gown groom at bride.mga sususutin ng abay, Invitation, venue., photograper, mga flowers pang decorate sa simbahan .mga bocay .catering. yung mag ho-host . Give aways.
Magbasa paI think wag na muna sis. If you're planning to get married better kung mag ipon kayo share kayo sa ipon mas madali yun both part hindi rin kayo mahihirapan magbayad. But if you're planning na talaga to get married ASAP pwede naman na civil nalang, then kain nalang kayo sa resto with both family. Then plan a church wedding kung gusto mo talaga pag nakaipon na kayo. Mahihirapan kayo magbayad ng loans and di rin biro magalaga ng baby dahil sa gastos. Better kung pag isipan niyo muna. Everyone gets excited naman pag kasal na ang usapan. Pero if you're getting a loan for the wedding hindi siya practical lalo manganganak ka palang and di biro ang gastos sa panganganak at pag alaga ng baby. Pag nahirapan kayo in the long run dahil sa loans at gastos baka pagmulan pa ng away niyo ng LIP mo.
Magbasa paNaku mommy, pls dont take out a loan para lang makapagpakasal. Have a wedding that you can afford. If civil at simpleng handaan lang ang kaya ng budget then do that. Mas importante ang financial security mas lalo na dahil magkaka-anak na kayo. Hindi natin alam magkano gagastusin sa panganganak. Paano kung ma-CS or mag preterm labor at kailangan malagay si baby sa NICU? Ang ending baka mabaon lang sa utang. My husband and I, kami nagbayad ng wedding namin. gusto namin wedding na afford namin. Mas pinili din namin na mag downpayment sa condo para pagkatapos ng kasal, may uuwian kami na sa amin talaga. So we had a decent wedding and our own house.
Magbasa paShare ko lang din samin ng asawa ko pinag ipunan po namin ang kasal talaga ang ginawa namin nag alkansya kami magkaworkmate po kasi kami at sa work meron kaming daily allowance at incentives naghuhulog kami ng 150 each daily tapus every salary 500 tapus nong 5mnths before the wedding 300 each na hulog namin sa alkansya daily at 1k naman pag salary every end of the month binibilang namin saka namin ihulog sa bank account nagpagawa kami ng account para sa wedding na expenses kaya yon nakaipon kami kaya walang reklamo kung sino ang gumastos ng malaki kasi ipon namin yon nag ambag din yong both family namin like lechon and cake ❤
Magbasa pange kami nga maglive in partner plang hawak ko na atm ni mahal, lahat ng sahod nun binibigay na sa akin ako na pinpabudget niya sa bahay nahihiya pa sya kapag humihingi sa akin hahaha, sya lahat gumagastos, kung ganian lang din na ikaw gumastos sa kasal nio d n ako magpaksal, kahit n sabhin niyang bbyaran niya lalaki sya, sya dpat gumawa ng paraan par sa ksal niyo kahit n sabhin nting mas maliit ang interes sa iyo, ps. wala pa kayo kasal pera na pinagaawayan niyo what if ksal n kau? hays kami never nagaway sa pera dahil sabi ni mister kinikita naman daw yan
Magbasa paGumastos kung may gagastusin. Hindi ung pagharap nyo sa buhay may asawa eh bayarin agad ang kakaharapin nyo. Kung talagang gusto pakasal eh pwede naman civil wedding. Invite people na talagang malalapit sa inyo. Ke gaano kabongga o hindi ang kasal nyo it all comes down sa kung paano kayo magsasama bilang mag asawa. Bakit kailangang magloan? To impress other people? Tapos pagtatalunan nyo pera at bayarin after ng kasal. Baguhin ang mindset. Saka magiging mag asawa kayo dapat hati na kayo sa lahat ng bagay.
Magbasa paShare ko lang. Due date ko sa may 14 Dapat ikakasal na kmi ng bf ko nung march kasi naabutan nung ecq and sa sobrang gusto namin makasal b4 lumabas si baby. Nagpakasal kmi nung may 8 and wala pang 5k nagastos namin. Home service pa yung judge kasi nga ecq. So di niyo need gumastos ng malaki. 3k bayad namin sa judge and 2k sa handa. Wala naman masyado bcta kasi nga ecq. Bawi nalang kmi pag kinasal sa simbahan. wag ng umutang kung di naman kaya. Need natin maging praktikal lalo na paglabas ni baby. Godbless po
Magbasa paHello momshies. Me and my hubby is planning to get married, however due to this pandemic our schedule date was cancelled. So we're waiting for the right time. I don't know when but god only knows everything. -just sharing And for your concern. Hmm, actually hindi mo kailangan mag utang para sa kasal nyo (simple wedding is enough) and if you both in a hurry and you still dont have exact money. Just ask for your parents help and just pay them back. Our parents is always ready to help us. -friendly advice
Magbasa panako. araw araw nyong pag mumulan ng away yan. hindi naman kailangan ng kasal na bongga. kung ako di ako papayag na mag loan tapos ibibigay nya lang ung atm nya pag kasal na kayo?? hahaha amoy scam sis. dahil nasa government ka na din naman bakit ka pa lalayo at bakit mo pa kailangan mag loan? relatives and 1 pair of godparent/sponsor is enough. yan din naman ang required ngaun sa simbahan dahil sa covid. mag civil nalang muna kayo pde naman ulit mag pakasal sa simbahan pag pareho na kayo may malaking ipon.
Magbasa paNakooo kung wala kayong ipon wag kayong mag loan para lang mkapag pakasal kayo. Mag ipon po muna kayo. Mas maganda kung mag loan kayo at e invest nyo sa mapagkakitaan nyo dalawa at mag ipon kayo. Ipon po muna bago kasal. Wag mag loan para mkapagpakasal. Maging practical po tayo. Kami ng asawa ko ilang taon kami nag ipon. Bumili muna kami ng lupa at nagpatayo ng maliit na bahay, saka kami nagpakasal, at lahat yun galing sa ipon namin. Hindi kami nagloan. Suggestion lang po ito ha.
Magbasa pa
wife and a soon-to-be mom