KASAL

Hi momshhh. May plano po kaming magpakasal ng boyfriend ko, kasi po buntis na ako. So ngayon po yung budget po sa kasal ang pinagtatalunan namin. Mas mataas po sahod ko sa kanya dahil gov. employee po ako kaya po ang suggest niya magloan po ako para sa kasal namin kasi mas mababa po interest sa pagloloanan ko. Kung siya po kasi magloloan 10% a month ang interes. Naikwento ko po sa mga kasamahan ko sa trabaho na ganun nga po balak namin, pero sabi nila wag daw ako pumayag. Dapat daw lalaki lahat gagastos o kaya 50/50 kami. Pero either siya ang gagastos lahat o 50/50 kaylangn niya pa din magloan na may 10% interes nga po a month. Ano po ba mga momsh, 50/50 po ba kami o ako nalang magloloan kasi mas mababa interes sa lending company na paghihiraman ko ng pera. Sabi naman niya po sa ako na hahawak ng atm niya kapag kasal na kami kaya ako na bahala sa lahat ng pera namin. Parang ang dating po kapag ako nagloan babayaran niya yung inaawas sa sahod ko gamit yung sahod niya.

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang din samin ng asawa ko pinag ipunan po namin ang kasal talaga ang ginawa namin nag alkansya kami magkaworkmate po kasi kami at sa work meron kaming daily allowance at incentives naghuhulog kami ng 150 each daily tapus every salary 500 tapus nong 5mnths before the wedding 300 each na hulog namin sa alkansya daily at 1k naman pag salary every end of the month binibilang namin saka namin ihulog sa bank account nagpagawa kami ng account para sa wedding na expenses kaya yon nakaipon kami kaya walang reklamo kung sino ang gumastos ng malaki kasi ipon namin yon nag ambag din yong both family namin like lechon and cake ❤

Magbasa pa