KASAL

Hi momshhh. May plano po kaming magpakasal ng boyfriend ko, kasi po buntis na ako. So ngayon po yung budget po sa kasal ang pinagtatalunan namin. Mas mataas po sahod ko sa kanya dahil gov. employee po ako kaya po ang suggest niya magloan po ako para sa kasal namin kasi mas mababa po interest sa pagloloanan ko. Kung siya po kasi magloloan 10% a month ang interes. Naikwento ko po sa mga kasamahan ko sa trabaho na ganun nga po balak namin, pero sabi nila wag daw ako pumayag. Dapat daw lalaki lahat gagastos o kaya 50/50 kami. Pero either siya ang gagastos lahat o 50/50 kaylangn niya pa din magloan na may 10% interes nga po a month. Ano po ba mga momsh, 50/50 po ba kami o ako nalang magloloan kasi mas mababa interes sa lending company na paghihiraman ko ng pera. Sabi naman niya po sa ako na hahawak ng atm niya kapag kasal na kami kaya ako na bahala sa lahat ng pera namin. Parang ang dating po kapag ako nagloan babayaran niya yung inaawas sa sahod ko gamit yung sahod niya.

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nako. araw araw nyong pag mumulan ng away yan. hindi naman kailangan ng kasal na bongga. kung ako di ako papayag na mag loan tapos ibibigay nya lang ung atm nya pag kasal na kayo?? hahaha amoy scam sis. dahil nasa government ka na din naman bakit ka pa lalayo at bakit mo pa kailangan mag loan? relatives and 1 pair of godparent/sponsor is enough. yan din naman ang required ngaun sa simbahan dahil sa covid. mag civil nalang muna kayo pde naman ulit mag pakasal sa simbahan pag pareho na kayo may malaking ipon.

Magbasa pa