29 Replies
Yung nag extract ng dugo ko non,magaan ang kamay so okay lang. Baka pwede kang mag request ng nurse na magaan ang kamay. Alam naman nila sa mga sarili nila kung magaan o mabigat kamay nila e. Ang pinaka ayaw ko lang na process ng OGTT e yung fasting talaga tsaka yung pinapainom nilang syrup. Masukasuka ako pero kelangan inumin sya kagad lahat tapos nakabantay pa yung nurse habang iniinom yun🤦🏼♀️. The night before sabi ko sa sarili ko,kakain ako ng donut after ng lab test as a reward sa fasting ko. After ng OGTT,di na ko nakakain ng donut sa sobrang umay sa sryup. Grabe. Ilang araw akong hindi makakain ng maayos after that🤢
Ako nagpa OGTT na ako, 3 beses ako kinuhanan ng dugo and nagpa turok ako ng limang beses para sa dexa ko halos sunod sunod nakaya ko naman. Pareho din tayo mamsh takot sa karayom pero need mo lakasan loob mo para kay baby☺️ Wala naman sakit pagkuha ng dugo ihh. Mas masakit pa siguro yung labor na sabi nila😁
Tiis lang my ogtt din ako mas better pag kain ka ng gabi at fasting na buong magdamag para morning ang test mga 7am at hindi kapa pwede kumain hangad hindi pa tapus ang test nila sayo pang test po yan ng diabetes, glucose test po kung nkitaan ka ng early gestational need mo magpatest ng ogtt
Yes momsh. It’s a must. Wag mo na lang tignan habang kinukunan ka ng dugo, parang kagat lang naman ng langgam yon eh🤭ako din takot sa ganyan nilalakasan ko na lang loob ko. iniisip ko mas masakit pa ang panganganak dapat kayanin! Haha
Required yun momsh. Wag ka na lang tumingin pag kukuhanan ka na ng dugo. Medyo nakakahilo, kasi fasting tapos thrice ka pa kukuhanan ng dugo. Pasama ka na lng pag nag pa ogtt ka😊
Yes mommy pero mag fasting ka nyan 8hours ksi dalwang beses ka kunan ng dugo sa pangalawang kuha papainumin ka ng tubig na my asukal after 2hours kunan ka na ng dugo
sa daliri lang ogtt ko ayun yung pinaka ayoko tusok ng karayom pero saglit lang naman sya mas tiniis ko lasa ng pinainum sakin na kada minuto gusto ko ng sumuka
Yes mommy 3 beses pero kada 1 hour naman . sakin ganon dina man masakit wag mo lng titignan tapos isip ka ng ibang bagay kapg kinukuhaan ka ng dugo
Tiis lang momshie. Need talaga yun e. Isipin mo na lang para sa inyo rin yun ni baby. Just tell the medtech na takot po kayo para dahan-dahanin. :)
Required po magpa OGTT test, mommy. Para maensure yung health niyo ni baby. Okay lang yan. Nagpa OGTT test din po ako dati, 4 times ako kinuhanan.
Anonymous