OGTT may ibang option kaya?

required ba ang OGTT ? hindi ko kase keri ang ,3 beses kukunan ng dugo every hour. dun palang sa FBS nahimatay na ko 😭#pregnancy #firsttimemom #AskingAsAMom #Needadvice

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kailangan po ang OGTT oara malaman kung may gestational diabetes (GDM) ka. Delikado kasi ang GDM, may GDM ako sa pangalawang babay ko, sa FBS normal yung sugar ko pero nung nagpa-OGTT na ko, lumabas na may GDM ako. Kapag kasi may GDM ka pwede ka mag-preeclampsia, which is delikado, pwede din magkaron ng complications si baby kapag may GDM ka or mamatay si baby.

Magbasa pa
5mo ago

Sinunod ko lang advise ng OB ko. Pinagmonitor ako ng blood sugar ko 3x a day. Iwas muna sa matatamis, tinapay at kanin. Kung kaya na wag kumain ng kanin mas okay pero hindi ko kaya instead na white rice, mix ng brown rice at red rice yung kanin ko tapos 1/2 cup lang kada kain. Dinamihan ko din kain ng gulay at oatmeal.

Kailangan po yun para macheck yung sugar nyo po. yung pagkuha ng dugo na 3 beses, prick lang po yun sa daliri, hindi talaga yung sa ugat kukunan. Akala kondin nung una as in blood extraction talaga ang gagawin di naman pala, yung prick lang sya kagaya nung pang check ng sugar. If malaman na may GDM ka po required na mag monitor ng blood sugar kaya magpprick din talaga.

Magbasa pa
5mo ago

Sakin po 4 times ako kinunan ng dugo gamit ang syringe sa OGTT ko, 2 times sa left arm and 2 times sa right arm. Tiis lang po, bawal ka din po magsuka during the procedure kasi papaulit po sayo yung whole process if ever.

need po, pra malamab if mataas po sugar nyo. yung sakin noon, tumataas. kaya ako na mismo nag diet sa rice. kso nung chek up na ulit, mabagal daw lumaki si baby. sabi ko nagbawas ako ng rice.. suggest na naman nila, dagdagan ko na ulit ng rice 😅 ang hirap po, kapag kulang apektado si baby. kapag sobra apekatado p dn 🤦🥹

Magbasa pa
VIP Member

yes required yun sa lahat ng pregnant, itetest nila ang blood mo every hour kung may nagbabago lalo na kung iinumin mo yung ipapainum nilang matamis para malaman nila kung tataas ang sugar mo. ako kasi sanay akong mag donate ng blood kaya hindi na ako takot kunan ng dugo tsaka kunti lang ang kukunin nila.

Magbasa pa

Ako nga non nde ko alam na need pala tatlong beses kunan ng dugo, sinabi lang sa akin kung kelan mapakuha nako..akala ko isang beses lang. masarap din ung pinapainom na glucose..For baby titiisin at kakayanin lahat 🥹

ako na di nag pa ogtt kasi di ko kaya ung fasting 🤣 ginawa ko nalang minonitor ko blood sugar ko. hahaha

5mo ago

sakin naman okay lang yung pinapainom sarap na sarap nga ako don e. haha ung fasting ang di ko kaya. 🤣 feeling ko mang hihina ako. ung di nga lang ako makakain ng ilang oras di na ko mapakali ayon pa kaya na 12hrs kang di kakain 🤣🤣

Yes mi, delikado kasi kay baby kung may GDM ka. Tiis nalang talaga para kay baby.

yun nga mi dko kaya fasting tas kukunan pa ng dugo 3 beses haha juskoday

Ilang weeks po ba nag OGTT?