Advise pls.

Momsh im feeling sad, kasi hanggang ngayon may mga araw padin na nararamdaman ko na si hubby padin at yung naging kabit nya. Nag usap naman kami about dito , pero alam mo instict natin. Ramdam ko mahal nya yon. Pano ko ba ma at ease sarili ko momsh? ? Mahal nya kami tapos mahal nya yon? Halata sa mga kilos nya na lagi padin sila nag uusap ng girl. Sasabihin ko ba sa kanya? Baka ito na naman dahilan ng away namin.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mamsh ganyan din, totoo naman instict ko na may communication pa din sila ni other woman, pero napag usapan namin ng mahinahon at walang away. as in masinsinang usapan lang, nagpray muna kmi bago pag usapan yun para hindi kmi magkaroon ng hondi pgkkaunawaan kasi we should be honest with our feelings at kailangan maclarify lahat. sa awa ng dyos naging successful ang usapan namin, yung other woman pla naghhabol p sa kanya kasi galit sa kanya dahil hindi sya yung pinili, tapos ayun nakareceive ako ng messages sa messenger ko na sinisiraan mister ko sa akin na may nangyari sa kanila nung babae.. tapos sa araw pa.mismo ng birthday ko , pero dahil mas naniniwala ako kay hubby , sabi ko enough na yung explanation ni hubby mismo. at ngayon feeling secured na ako talaga at nangako sya ulit. tapos sabi ko panoorin namin video ng wedding namin... umiyak sya at sobrang naguilty... sya na mismo nakarealize na sobrang mali ginawa nya sa aki.

Magbasa pa

Kausapin at open mo po sakanya yang nararamdaman mo, para din alam niya pa, at mas mageffort pa soyang ipakita na nagbabago na siya. At para din mas bigyan ka niya ng assurance na di mo na kailangan magworry. Kausapin mo na po. Iexplain mo. I know the feeling mommy. Alam kong may duda kapa din kaya ka ganyan, di naman kasi talaga madaling makalimot at magmove on. Minsan di mo na din alam kung instict mo pa or napapraning ka nalang kakaoverthink ng mga bagay bagay. Ang advise ko sayo, wag mong kimkimin, kung may gusto la ivoice out kay mister, sabihin mo po. Pero dapat si mister, di magagalit once magopen ka, dapat siya mismo ang makakaintindi sayo. Tatagan mo pa mommy. Alam kong hindi madali pinagdadaanan mo. Pray ka lang din po kay Lord para sa healing mo at para gumaan kahit papaano ang loob mo.

Magbasa pa

Hi sis, normal naman yan nararamdaman, syempre nasaktan ka eh. Pero kelangan mo ring isipin muna sarili mo at si baby. Huwag na muna mong isipin ang alam mong makakasama sa pagbubuntis mo. Basta maski buntis ka magpaganda ka pa rin para maging atttactive ka parin sa kanya. Ipakita mo sa hubby mo na kaya mong dalin ang mga nangyari at nakikita ka nyang matatag at sweet ka pa rin sa kanya ay magiisip iyon. Ang kabit ay kabit lang, basta ikaw ang legal at pagsisihan din yan ng hubby mo.

Magbasa pa
VIP Member

Para sa akin mommy, iisipin ko health ng baby ko sa tummy ko at yung health ko. Kasi pag na e stress ka, apektado pati si baby. Pero syempre, dala ng hormones natin pag buntis, di talaga maiwasan yung ugali natin na hindi maipaliwanag. Kung sinusustentuhan ka naman ni mister mo sa pagbubuntis mo, tiisin mo lang muna. Isipin mo may buhay kang dinadala sa sinapupunan mo. At pag nanganak ka na, at ganun pa din ang pakiramdam mo, tsaka mo na komprontahin si mister.

Magbasa pa

sa akin d pwede yung ganyan.war freak ako pagdating sa mga kabit.haha. pero bago naman ako kumilos, cmpre mag.imbestiga muna ako.baka mamaya, mali naman iniisip ko db.hindi ka dapat matakot kung sakali totoo, ikaw legal na asawa. pero wag ka kumilos base lang sa hinala. try mo mag.observe, imbestiga. kung sakali, d naman totoo, dont stress yourself. lagi ka lang magpray ibless ni God ang pagsasama niyo.

Magbasa pa

kumampante ka sissy.. trust your husbands words.. wag mo masyado pairalin yung emotions mo, tandaan mo hindi yan healthy lara kay baby. dapat positive vibes lang palagi :) iparamdam mo kay hubby mo na mas worthy kayo ni baby kesa sa kabit nya.. at kawalan nya kapag bumalik nnmn sya sa kabit nya.. #thinkpositive lang momshie!..

Magbasa pa

Hello po. Sabihin nyo na po sa hubby nyo yung kalagayan nyo. Nasasakanya po kung tatanggapin nya ng buo o iiwan niya kayo. Di niyo po deserve maloko :) May tao pong tatanggap at mamahalin po kayo ng walang kapantay. Wag niyo pong inisstress yung sarili niyo sa mga ganong tao. Nakakasama po sa kasalugan nyo. Pray lang po kay God :)

Magbasa pa

You should initiate the talk momsh. Wag mo itolerate yung ginagawa ng hubby mo. Kapag kinausap mo siya, pigilan mo sarili mo na magalit ka. Settle for what is good for both of you. Mahirap yung kinikimkim mo lang yan momsh. Wag ka matakot. If your hubby will leave then its not your lost.

VIP Member

Para sakin dapat wala na ibang dapat mahalin kundi yung pamilya nyo lang. Much better ka sa kabit mamsh kaya wag mo na masyadong pasakitin ulo mo sa asawa mo.. focus on yourself magpa beauty ka ay wag mag pa stress

VIP Member

I think you should be open about what you feel.. Pero sabihan mo na muna sya before ka magopen na gusto mo ng mahinahon na usapan kasi hindi naman masama yung gusto mong mafeel na loved ka.. 😊