Looking for answer ๐Ÿ”Ž

Hello momsh, hanggang kelan ba ako magpapasensya sa mga taong nagbibigay ng stress at puyat sa buhay ko? im 17wks.preggy still walang ayos na tulog sa gabi at sa araw dahil sa maiingay na mga kasama sa bahay + yung soundsytem ng kapitbahay na puro (bass) lang ang alam na parang laging may sayawan kahit wala nman, ito stress, payat at bumaba pa lalo ang timbang. (Unhealthy pregancy nga sabe ng ob) sa totoo lang naawa na ako sa sarili ko lalo na sa baby ko, "Pagpasensyahan" ko nga daw sabe ng hipag ko kung may maiingay akong marinig, mapasigawan man yan ng bata o matanda kase magkakatabi daw ang bahay,at maraming tao ang bumibisita sa bahay, pero hanggang kelan ba ako magpapasensya sa kanila? hanggang ba sa makunan ba ako o hanggang sa mamatay na ako? alam nila na hate ko ang ingay lalo na nung time na kasagsagan ng paglilihi ko, sinabihan ko na sila na wag maingay but still wala pa rin pagbabago, yung tipong parang sinasadya pa nila mag ingay kahit alam nilang nagbabawi ako ng tulog dumating pa nga sa point na nag videoke pa sila, ang resulta masakit ang ulo ko at masama pa ang loob ko.. advice naman momsh.nahihirapan na ako. -ps. nasa side ako ng magulang ng asawa ko kaya wala din naman magawa ang asawa ko

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

best is lumipat na kayo ng bahay. ganyan po talaga pag di kayo nakabukod. dapat ka rin po makisama... di mo po sila macocontrol talaga. pero yung stress mo at ikaw ang makakcontrol nyan dahil katawan at pagiisip mo po yan. its up to you if puro negative vibes ang lalabas sa katawan mo...dont get me wrong Sis.. pero basta nakikituloy kayo sa hindi inyo, di nakabukod, di po tatahimik ang paligid nyo..

Magbasa pa
2y ago

para naman po kaseng walang plano bumukod ang asawa ko kase bunso sya, kaya tuloy iniisip ko kung umuwi muna sa bahay ng magulang ko iwanan ko muna sya dito sa kanila

Para sa peace of mind mo, kelangan mo piliin ang mas ikakabuti mo at nang baby nyo. Kausapin mo momsh ang asawa mo. Dapat kayo na ang kanyang priority.