Emotional Problem While Preggy

Hello momsh 29 weeks preggy here... Sobrang emotional ako lalo na sa bagay na kinasama ng loob ko, yung niloko ako ng mister ko, opo kasal na po kmi bago lang... Dahil sa financial problem lagi sya nasa barkada namin nag iinom kahit mag uumaga na nandun pa, uuwi lang kapag gusto niya. Itext oh tawagan mo mn walang pakiaalam. Sama ng loob ko sa kanya, lagi sya nagsisingungaling sakin lalo na kung barkada namin babae kasama niya at pinupuntahan niya? LDR na po kmi ngayon, sabi ko nga sakanya naubos lang yung bakasyon nya dito na puro lang barkada nakasama nya, nabigyan niya ng oras, samantala ako buntis wala sya pakialam sa mararamdaman ko hanggang ngagon, para na kmi nanlilimos ng anak ko ng atensyon niya... Masakit lang sa loob ko, na dati kahit wala kmi masaya kmi dahil nkakaraos naman kmi kahit papano, ngayon di na sya sanay walang pera, lagi syang galit sakin, eh hindi naman ako maluho alam niya yun, pinagawa namin bahay yung pinag ipunan namin mag natira naman pero di tulad ng inexpect niya. Nawala rin tiwala ko sa mga kaibigan namin dahil nagsinungaling rin sila, alam nila hinahanap ko mister ko pero hindi nila sinasabi sakin. Mga unfair sila dahil trip nila lagi inuman. Hindi ko maiwasan hindi mabanggit ang mga bagay na yan sakanya lalo na pag nagiging emotional na naman ako. Naaawa lang ako kay baby sa tiyan ko, pero makapit naman baby ko hindi ako nahihirapan sa pag buntis sakanya. Kayo po, kamusta naman mister oh partner niyo habang nagbubuntis kayo? Naiinggit ako sa mga relationship goals nag nasha share sa Facebook, napapa SANA ALL nalang ako. Di na kasi kmi tulad nung dati, ibang iba na sya ngayon lalo pagdating sa pera.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Deactivate ka po ng social media accounts na di po nakakatulong sayo. Nakakadagdag lang sila sa lungkot na nararamdaman mo. Strong prayers po na marealize ni hubby mo yung importansya nyo mag ina. Hingi ka din po ng tulong sa mga magulang nya para mapagsabihan ang anak nila. If sa pera nman po ilista mo lahat ng ginagastos mo since sbi mo po hindi ka maluho magiging reasonable yung lista mo. Para may ipakita ka kung sakaling maghanap sya. Kausapin mo din po sya ng masinsinan kung ano gusto nya mangyare sa family nyo, kung gusto ba nya maayos or what, mamili sya. Ayun lang po kung ready ka sa isasagot nya....

Magbasa pa
VIP Member

Sis layuan mo na mga kaibigan mo, kasi mga peke un. Mas okay na mag focus kana lang kay baby. Mas okay din na walang kaibigan kesa nakapaligid ka sa mga ahas.. Wag ka rin masyado magpaka stress dyan sa partner mo. Kung ganyan ginagawa niya sayo, kausapin mo siya. Communication is the key to a happy marriage. Diba? Bago naman tayo ikasal sa mga mister natin yun ung itinuro satin sa seminar. Hehehe! Magbabago din yang hubby mo, marerealize niya lahat ng pagkukulang niya sainyo.. wag kana malungkot dyan. Wag paka stress, sayang ang beauty!! Magiging ok din ang lahat 😘

Magbasa pa

Hayaan mo kung san sya masaya. Kung yan gusto nya. Kasi at the end of the day maiisip nya rin lahat ng pag kukulang nya na yan. Wala na ngang pera e nag iinom pa hayy. Dami kong kilalang ganyan mammy. Kung iba di pa nag wowork. Uuwi lang din kung kelan nya gusto. Si hubby ko din naman nag iinom. Pero sobrang dalang madalas dito pa sa bahay. Walang wala rin kami ngayon. 28weeks preggy na ako. Sya mismo nag titipid alam nya rin na emotional ako e. Pray mo lang yan mammy. Sana matauhan pa yan. Included you in my prayers. 😘 Godbless sa inyo ni baby! 💖

Magbasa pa

Pakatatag ka pa ng husto momsh. Kung ayaw nyang pakialaman sya edi wag kesa naman kayong dalawa ni baby ang magsuffer. Hayaan mo sya sa lahat ng gusto nyang gawin pagpinabayaan mo yan at pinaramdam mo na wala ka ng pakialam sa kanya maninibago yan. Cold treatment ika nga nila lagi ko yang ginagawa sa mister ko lalo na pag may kasalanan sya sa akin. Ngayon alam nya na mga bagay na hindi ko gusto( vice versa) pag mahal at may care po sayo ang isang tao hindi nito hahayaang mawala ka sa kanya.

Magbasa pa

Ganun din ako sis. Stress sa asawa ngayon parang nagkaproblema yung paglaki ni baby sa loob kaya need ko iultrasound ulit. Tapos ako bineblame nya kung bakit di daw lumalaki si baby eh sya naman tong dahilan ng pagka stress ko. Ang sakit lang, ginagawa ko naman lahat para maging okay kami ni baby kahit mag isa lang ako at malayo siya. Binibigyan lang talaga nya ako ng stress araw araw. hay.

Magbasa pa
VIP Member

Ifocus mo na lang po attention mo kay baby sis atsaka walang perpektong relasyon sis. Huwag mo hayaang mastress ka kasi si baby affected din po. Hayaan mo lang po siya marerealize din po niya ang mga ginagawa niya.

Wag kang masyado pa stress sa hubby mo sis. Mas worth it si baby kung pgbabasehan. Baka magbago rin yang asawa mo pag nakita na niya baby mo.

Sending virtual hugs sis. If you don't mind my asking, ilang taon na po si partner mo and matagal na po kayo together?

5y ago

Nagkausap naman na po kmi, iniwasan niya na rin naman ichat mga kaibigan namin, at alam niya pagkululang niya, bawi daw sya pag uwi niya after 2years OFW kasi😥sana itong baby namin mkapag pabago sakanya kung dati wala sya oras samin, sana may mabuting pagbabago pag uwi niya, pero pag wala plano ko na talaga Let go sya, para sa bata nalang. Yung kaibigan ko babae gusto ko kausapin ng harapan kpag nkapanganak na ako, para matigil din sila sa lihim nila sakin. Hindi po sila totoo sakin kahit ako alam ko naging totoo ako sa kanila.. Salamat po sa reply nkakagaan po sakin❤️

VIP Member

Sis wag ka panghinaan ng loob importante ngayon yung dinadala mo. Hayaan mo yang mister mo wag ka pa stress.

Wag ka na magfacebook