Worries to Depression

Hi moms. Just wanna tell my story. November 22 is my LMP. Dinapo ako dinatnan nun. Di ako ngworry nun ksi akala ko baka dahil lang sa stress kaya ganun. Then nung December 8 at December 28 uminom ako ng alak. Then January 24 gabi suka ko ng suka. Akala ko masakit lang tiyan ko nun. Lahat ng kinakain ko sinusuka ko kaya pumunta kami sa tito ko na doctor and niresetahan niya ko ng gamot s sakit ng tiyan at suka. And January 25 ngpa urinalysis ako and Blood test. May UTI daw ako kaya binigyan pako ulit ng antibiotics na gamot sa UTI ts sa sakit ng tiyan. Then pumasok nako s school. Nagkaissue po ako dun. Kasi yung teacher ko pagkabasa daw nung excuse ko na sumuka eh buntis na daw. Eh pnaglaban ko yun. Pumunta pa kami s principal nun. Then Feb 25 lang nalaman nung teacher ko na nireklamo ko siya tas pinagsabihan niya ako na mali daw yung ginawa ko dapat siya muna daw kinausap ko. Kaso ayaw naman nun nila lola na kausapin yung teacher ko na yu kasi parang di daw dapat yun sinasabi ng mga professional sa isang estudyante kahit joke lang daw yun. Then nung March 5 habang nagbabantay ako sa lola ko sa ospital bigla nalang akong nahilo, dumilim yung paningin ko, nanikip dibdib ko at tumama pa forehead at bibig ko dun sa hospital bed. Then sinakay ako nung nurse s stretcher, linagyan ng oxygen at kinuhanan ng dugo then yung result is positive. Kaya ngayon 25weeks nakong preggy. Dipa din kasi mawala sa isip ko na baka maka apekto kay baby yung mga gamot ts alak na nainom ko. Teenager pa kasi ako eh, kaya uminom lng ako ng uminom ng alak tsaka din nung gamot kasi wala pa akong alam nito. Please help me moms, dami napong pumapasok sa isip ko na di kanais nais. Parang nadedepress napo ako. Diko napo alam gagawin ko?

1 Replies

Since nasa 25 weeks ka na, maigi na magpa-congenital anomaly scan ka po para makita if may defect si baby and to give you peace of mind na rin.

1500-3000 po price range

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles