Anak ba talaga nya?

Yung pinsan ko po na lalaki umuwe galing abroad. Bago yun, nag-away sila ng asawa nya at nawalan ng communication. Umuwi pinsan ko sa pinas para maayos ang relationship nila ng misis nya at para sa anak nila. Pagkauwe nya, after a month buntis na agad asawa nya. Ilang months ang lumipas, ika 7 months ni girl nanganak siya. Nagwowork na pinsan ko sa pinas kaya di sya kasama nung pinanganak baby. Ang sabi nung asawa nya at nung family ni girl premature daw baby at na incubator pero ilang hours lang daw at wala pang 1day pinauwe na sa bahay. pinagsasabi nila sa neighborhood na kawawa daw baby kase 7mos ang liit liit daw. Nung nakita ko, maliit nga sya pero para sa akin fully developed na. hindi ma red ang skin at malaman na. After a year nauna pa sya maglakad sa mga ka batch nya na baby. Tapos recently ko lang nalaman na 2.5 klos pala baby nung pinanganak search ko sa Google normal pala weight nya. Napansin ko din na walang resemblance si baby sa tatay nya di tulad nung panganay nila na sobrang kahawig ng pinsan ko. Napapaisip tuloy kame kung tama yung hinala namin na naloko yung pinsan ko. Na baka di nya anak baby. Wala po ako balak gawin o sabihin kase wala naman ako evidence at lalo namang ayokong makialam. Pero naaawa ako sa pinsan ko kase ang bait bait nya at mahal na mahal nya si baby kaya kung ano man malalaman ko sa akin nalang muna siguro yun. Gusto ko pong hingin ang opinion nyo. Salamat po sa magrereply.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Konsensya na po ng asawanh babae yun. Wala naman lihim na hindi nabubunyag. Tama Ate wag kana makialam kasi baka masira ang pamilya nila.. hayaan mo na sila (pinsan mo) mismo ang makaalam.. ipagdasal mo nalang na maging maayos ang pamilya nila.