?

Hi moms. So kanina check-up ko for 36 weeks, na-IE na rin ako and base sa ob ko closed pa cervix ko pero malambot na. Ang problema ko ay, si baby from cephalic naging breech position siya ? ayoko pa naman mag-cs and then next week kapag suhi pa rin siya i-schedule na ako ni OB for CS. Naloloka ako. Sobrang mahal pa naman ng cs dun sa Maternity Hospital na yun. Sana makaikot pa si baby hanggang next week. ?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka masyado pastress mommy. Mararamdaman ni baby. Stay active mommy, lakad lakad ganun. Nakakatulong daw yun para umikot si baby. May mga times din mommy na umiikot si baby pag naglelabor ka na mismo. Prepare mo na lang din yung sarili mo if ever ma-cs ka. Wala naman masama na macs mommy, yung mama ko tatlo kaming magkakapatid cs lahat kasi ayaw bumukas ng sipit sipitan nya. Ang mahalaga naman safe kayo dalawa ni baby. Kaya kalma ka lang. Wag ka masyado magworry mommy. Tiwala lang, iikot si baby. Effective yung pag kinakausap sya at pinapakinig ng music para sundan nya yung sound. 😊🙏

Magbasa pa
6y ago

Thanks mommy. Actually nai-stress nga ako kakaisip bakit siya umikot e, last month kasi okay na position nya 😢 madalas naman ako active siguro kapag nagpapatugtog ako minsan o kaya nanunuod ng vids sinusundan nya yung sound banda sa dibdib ko. Haha

Hai ang mahal nga ma cs. Mag prepare ka na mommy mas magandang handa ka sa mga possibilities kasi para naman sa safety nyo yan ni baby. At si baby is all worth the sacrifices. God bless and have a safe delivery! Makakaraos ka din. God will be with you..

6y ago

Kaya nga po mommy e, ayoko talaga ma-cs aside sa mahal masyadong mahina ang pain tolerance ko. Hays

VIP Member

Iikot pa yan sis same tayo ako 38weeks tska sya umikot until now waiting ako na lumabas nlng sya mg 39weeks na ang baby ko sna ma inormal na delivery

VIP Member

Magplay ka ng nursery rhymes tas itapat mo daw malapit sa pempem kc susundan daw Yun ni baby as per sa midwife na nagcheck up skn kahapon.

6y ago

Yes po try ko. Salamat po 😊

do squat and walking exercises effective sya mamsh. Mga atleast 30mins walk every morning, pasama ka sa hubby mo pra di boring.

6y ago

Thanks momsh, try ko po ang squats.

VIP Member

talk to your baby, then utube ryhmes tapat mo sa bandang baba ng puson mo pwde nya sundan ung music

6y ago

Sana nga po effective sya at makaikot pa. Thanks momsh

Ahm momshy Mag patugtog kalng po banda sa pempem mo palage Iikot din yan si baby

6y ago

Opo momshy youre welcome

Tingin ka SA youtube Ng mga paraan pano iikot c baby sis.

VIP Member

Patugtog ka mamsh sa bandang puson. Iikot pa yan ☺

Kausapin mo po si baby😊