NAPE-PRESSURE [KAMI NI HUBBY]

Hello moms and dad of TAP!! Hingi lang sana ako ng advice sa inyo. So heres our story po... Sa February pa po ang first wedding anniversary namin ni hubby.... Parehas po pala kaming bunso. Lately po, nape-pressure po kami sa tukso o biro na talaga namang half meant. Lagi pong sinasabi ng parents namin both ni hubby na "Gumawa na kayo ng apo namin sa inyo. Baka 'di na namin maabutan." 'Di ba po? Medyo hindi po magandang pakinggan para sa akin... To give u more idea po, wala na po kasing baby sa side ni hubby. Wala na po sa kanilang magkakapatid ang may anak na baby pa. 9 yrs. old na po ang youngest. Nalaman po ni hubby na nape-pressure po ako everytime na makakarinig po ng ganun... Btw, nasa marriage plan na po namin na after 1st anniv mag-baby. Kasi po 'di kami madalas magkita ni hubby before marriage. So, choice naman po namin kung gusto pa namin mag-enjoy sa isa't isa na wala pa pong baby di ba? Minsan sa sobrang pressured ko po at minsan 'di mawala-wala sa isip ko, ako na nag-iInitiate kay hubby to have contact. Pero 'pag ganun po nangyari alam ni hubby na presured ako kasi alam n'ya pong hindi ako nag-iinitiate ng sex. Minsan ko na rin po 'ko nag-missed ng pills. 'Di po nakabuo dahil low fertile po ako that time. At napansin din po ng asawa ko na madami akong missed pill. Nagcocontact po kami ni hubby every night... Para po samin yun yung pinaka--quality time namin after mag-kwentuhan, kumain at usap about financial matters... Kung kayo po b nsa sitwasyon ko... Ano po bang magandang sabihin sa parents namin ni hubby?? Or tama lang po sinasabi nila na mag-baby na po kami? Natatakot din po kasi ako sa sinasabi nila... Lalo na po ngayong di naman ma-forecastbkung hanggangbkailan sila BTW poo, financially stable na po kami ng asawa ko. Kung tutuusin, kayang-kaya na po namin ang gastos para sa dalawang baby... Pero patuloy pa rin po kami nag-iipon... Cguro isa rin po 'yun sa reason... Baka po iniisip nila na palagi naman kami nasa mga sosyal na lugar... Magaganda ang gamit sa bahay etc. Etc. Pero pinaghirapan po kasi namin ni hubby para makarating sa gan'tong maginhawa na buhay... Sobrang nagsumikap po kami bago maikasal..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabihin mo lang "Dadating din po tayo jan. Pag will ni Lord, tiyak ibibigay po."

sabhin mo lng n nga eenjoy muna kayo. d niyo n Yun magagawa pag my anak na.