Jaundice Baby

Mommy, help naman po. Ano po bang mga home remedy para mawala jaundice ni baby. 3weeks and 4 days old c baby. Ngayon ko lang napansin na parang yellowish po cya. Wla naman po yun nung pagka panganak ko po sa kanya. Worried mom here 😔

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko may Jaundice din, 1 month&11 days palang siya ngayon. Noong pinanganak ko sya di naman sya madilaw, then 2 days after saka lumabas yung pagka-yellowish nya pati mata. Normal naman daw yun as per his pedia kasi lumabas after few days, kasi iba ata talaga kapag mismong paglabas madilaw. So advice sakanya magpaaraw between 6am-7am lang better kung nakahubad tapos wag isama yung mata or if di makapag paaraw yung init ng bombilya itapat daw dun kahit mga 30mins-1hr tyagaan lang talaga. Then kung breastfed si baby pagpatuloy lang daw pero yung breastfeeding nakakadagdag din daw yan sa paninilaw pero pinagpatuloy pa rin sakin tapos pinagwater sya 1-2oz lang. Ngayon di na sya madilaw, tyaga lang talaga. Sana makatulong sayo, pero about sa water consult your pedia po kasi baka case to case basis pa rin. 😊

Magbasa pa

Si baby ko yellowish din sabi ni pedia ni baby need ipaphototerapy kasi lagpas din yung counts ata yun kaya ilang days syang inilawan and after nun paglabas namin ng ospital continue lang pagbilad namin kay baby 30 mins kada araw . Tsaka maganda kung breastfeed si baby at malakas dumedede para maitae nya din yung dilaw nya yan ang sabi ni pedia sakin momsh .

Magbasa pa
4y ago

yes po mamsh

Paaraw, mommy. Pero 3weeks is medyo matagal na. Maybe ask your pedia about it. May classification kasi sila dyan, may grading kumbaga. Nung baby ako naadmit ako dahil tagal kong nanilaw daw even pinapaaraw. Kaya si LO binantayan talaga namin maige, buti naman at nawala agad ang kanya

5y ago

same. UV din daw kami dati, ako 5days sa hospital, yung kapatid kong sumunod sakin 2 weeks. Also pag BF din pala maninilaw talaga

Pinaaarawan lang po sila....kung maaari wag direct sunlight. Pwede naman yung matatamaan lang ng sinag ng araw. 15mns everyday harap at likod naka diaper lang and naka takip ang mga mata ni baby ng black cloth or anything na makapal para hndi masilaw

Sa bby ko sis na hospital talaga sya pina phototherapy kasi yung time na pinanganak ko sya walang sikat nang araw kasi maulan yun.. tapos parang may limit sila kung ilan bilirubin ni baby..

4y ago

Naka limotan ko sis, peru 3 days kami non

VIP Member

Paarawan mo po between 6am to 7am. Tpos breastfeed lng lagi. Baby ko 1month today di na sya madilaw. Madalang din napaarawan. Parang 3x lang ata. Haha. Lagi ko lang pinapadede.

Almost 2mons nawala sa baby ko. Kung exclusive breastfeeding ka mejo matagal tagal yan like sa baby ko. Basta need constant paaraw and breastfeed lang

Paarawan po mas maganda kung walang damit

Padede lang ng padede kasi iihi lang nila yan.

Araw araw mo po paarawan mommy..