2 Replies

Kausapin mo ang asawa mo. Idulog mo ng maayos sa kanya yung ginagawa ng kapatid niya. Yung hindi naman pasumbong na parang naghahanap ka nag kakampi kundi gawan naman ng paraan ng asawa mo para makausap ng maayos kapatid niya. Kasi asawa ka naman niya at dapat hindi ka din naaapi sa pagsasama niyo. Dahil kayo anh mag-asawa.

Kaya nga po mamsh eh. Hirap talaga, hirap kumilos lalo na nasa iisang kwarto din kami jusko. Di ko makausap kasi mataray talaga mamsh, nag away na din sila ng asawa ko kasi grabe talaga umasta. Eh boset na din asawa ko kasi ni singkong duling walang naaambag yung ate niya at asawa niya sa bahay tapos pag wala asawa ko panget pakikisama sakin. Pinag bibintangan pa ko kesyo nag susumbong daw ako sa nanay nila na di sila tumutulong ng asawa niya. Eh di naman bulag nanay nila para di mapansin. Pinag bibintangan pa ko kesyo ang susumbong daw ako sa nanay nila na di sila kumikilos o tumutulong sa bahay, eh halata naman na ng nanay nila. Kahit di ako mag sumbong. Tapos eto pa mamsh, utang sila ng utang sakin tapos di naman binabayaran. Uutang sila sa tindahan ng asawa niya tapos nanay pa nila pinagbabayad nila. Help naman po, di ko na po talaga alam gagawin ko. Naawa naman ako sa asawa ko at sa nanay niya kasi dahil sakin nasisira relasyon nila magkapatid

VIP Member

Baka inggit sis or what mas mabuti kung kausapin mo sya para malaman mo kung ano problema nya. Most especially mahirap po pag may mainit ang dugo sayo tapos kasama mo pa lagi sa bahay.

Sobrang naiiyak po ako dahil di ko alam gagawin ko. Gusto ko bumukod kaso stay at home mom lang po ako, at dahil sa pandemic nagalaw mga ipon namin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles