advice mommies
Hi Mommies! Sino dito di okay ang relationship sa kapatid ng asawa niyo? Nakakaloka kasi yung ate ng asawa ko, wala naman ako ginagawa pero ang init ng dugo sakin. May 9 months baby ako pero pati sa mga labada nila ng asawa niya at mga anak ako gumagawa saka mga pinag gamitan nila na pinagkainan o pinag lutuan ako nag huhugas. Weekly nag papamalengke at grocery asawa ko para samin lahat sa bahay lalo na pag kapos nanay nila, pero ang kwento na nababalitaan ng tatay nila sila daw gumagastos. Ano po ba dapat ko gawin? Hirap na po kasi ako. Lagi ako inaattitude tapos dinadabugan pa ko sa harap ng anak ko, minsan kahit tulog anak ko nag dadabog pa.