Emotionally Unavailable

Hello mommies! Pa-vent out lang po. Sobrang bigat na kasi ng loob ko and wala din akong ibang matakbuhan para makausap. Sobrang nahihirapan na kasi ako. We are in a relationship for 6 years. We have a son na mag 6 na this month and we're living together na for 5 years. Nung nalaman namin na buntis ako, humarap siya sa parents ko para panindigan ako, nagpromise siya sakanila na pakakasalan ako after ko manganak. Pero simula noong nanganak ako, sa loob ng almost 6 years, never siya nag open up about marriage. Palaging ako ang nagi-initiate ng topic about kasal. Pero ang lagi lang niyang reply sa akin ay wala pang budget. Nag offer na 'ko na okay lang sakin kahit civil, or kahit nga kasalan bayan, it doesn't matter for me kung bongga or hindi. Pero ang ending ay puro pangako at puro salita na hindi ko alam kung may panghahawakan ako. At yung partner ko din ay hindi nakakatulong sa mental health ko. Isa din po ito sa issue. Lumaki po ako sa toxic environment, may mga traumas and bad childhood. Lumaki ako na puro addict ang kasama ko sa bahay, lumaki ako hindi sa tunay kong magulang, at madami akong hindi magandang karanasan sa childhood ko,hanggang mag dalaga na ngayon ay paulit ulit ko pa din binabalikan. At lahat yun ay na-realize ko nung nasa college na 'ko. Na ang fvcked up pala ng buhay ko, doon po ako nagsimula magkaroon ng anxiety, na-depress at nagkaroon ng su*cidal thoughts. And until now ay may anxiety pa din ako and even diagnosed with panic disorder for almost 8 years na,hindi ako nagte-take ng gamot, sinanay ko lang yung sarili ko na i-handle yung random episodes ko.Inaatake ako almost every month minsan once, minsan twice or kung sobrang stressed ay mas madalas. Sobrang negative akong mag-isip, maraming what if's at masyadong bothered. Kaya mabilis maapektuhan yung katawan ko. Sobrang tahimik ko lang na tao pero halos minu-minuto may tumatakbo sa isip ko na mga random na bagay. Kung ano ako ay kabaligtaran ng partner ko. Lumaki siya na complete family, walang bad childhood at traumas, at possitive siya sa buhay. Kaya madalas ay feeling ko nai-invalidate ako kasi, wala siyang emotional intelligence, hindi siya marunong mag comfort. Hindi niya nabibigay yung emotional support na kailangang kailangan ko. Bagkus ay minsan dumadagdag siya sa mga isipin ko. Sa anak ko nalang ako humuhugot ng lakas lalo sa mga araw ng breakdowns ko. Gustuhin ko man ibigay sa anak ko yung emotionally healthy na nanay ay hindi ko magawa. Sobrang bothered ako sa mga bagay, at pag ganun na ay naghahalo halo na yung emosyon ko, bigla nalang akong aatakihin. Hindi ko alam kung paanong gagawin ko para maintindihan ako. Wala akong friends na matatakbuhan para mag vent out ng mga problema ko. Family ko naman ay masyadong magulo. Kaya madalas lahat ng problema ko ay kinikimkim ko lang. Awang awa ako sa sarili ko, iniisip ko kung bakit ako naging ganito, kasi sobrang sira talaga ng mental health ko. Para akong nalulunod na naghihintay na may sumagip sakin. Sobrang bigat na ng loob ko. Hindi ako makapag open sa partner ko kasi hindi siya nakakatulong sakin para ma-ease kahit papano yung mga nararamdaman ko. Yung anak ko lang talaga ang kinakapitan ko para lumaban kasi minsan naiisip ko na parang hindi ko na talaga kaya. Pagod na pagod na yung utak ko sa kakaisip ng kung ano, kahit di naman dapat isipin. Yung partner ko na dapat ay karamay ko ay hindi ko maasahan. Hindi ko maiwanan kasi mahal na mahal ko siya pero minsan naiisip ko na paano kaya kung maghiwalay nalang kami. Kaso yung anak ko naman ang bigla kong iisipin. Ayoko siya na lumaki na gaya ko. Ayoko maranasan niya yung mga naranasan ko, unang una sa pamilya. Sobrang takot na takot ako.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply