Diaper

hi mommies, which do you prefer for diaper ni baby newborn pampers, eq or huggies? thankyou

244 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa hospital ang nilagay sa kanya EQ Dry. Then, nung naubos yun, pinagamit naman namin sa kanya yung Sweet Baby Dry. Nakagamit din siya ng Huggies Dry kasi may nagregalo nung binyag. Pero Pampers Dry talaga ang madalas niyang suot. Sa awa ng Diyos wala naman siya allergic reaction sa kahit ano dun sa apat na brands. 😇

Magbasa pa

EQ, Huggies at sweet baby pa lang nattry ko for my new born pero ang marerecommend ko is yung huggies kase kahit ipush mo yung diaper feeling dry padin ❣️ Yung EQ kase madaling magulo yung pwesto lalo na pagmalapit na mapuno while yung sweet baby nagleak kaya once ko lang gunamit. Suggestion and Opinion lang mumsh! :)

Magbasa pa

EQ. Then every 3 to 4 hours palitan muna ung diaper may wiwi o wala para iwas rashes then laging mong punasan ng bulak na may tubig. Kahit ihi lang. Iwas rashes un. Wag ka ng gumamit ng wipes. Kung aalis na lang tapos pag uwi make sure mahuhugasan mo sya ng tubig syempre bulak lang gamit.☺☺☺

eq dry po though kpag gabi ko lang pinapagamit kasi sayang kapag laging diaper kaya pinag cloth diaper ko baby ko (1month pa lang sya). yun lang todo laba para tipid kesa diaper mahirap idispose everyday kahit convenient pa gawin kay baby.

VIP Member

Hi mommy advice lang. Wag ka muna mag hoard ng marami bago lumabas si baby kasi depende kung gano kasensitive balat nya :) I use huggies nb nung una tapos nung nalaman ko na di naman ganun ka sensitive i switch to eq .. :)

if full time mom po kau try niu po mag cloth diaper, less gastos at di prone si baby sa uti or rushes plus comfy po... at lessen po ang basura.hihih... tas sa gabi nalang po mag diaper. na eq pants💪💪💪

Magbasa pa
VIP Member

Eq and huggies yan gamit baby ko. Alternate hindi siya nag kakarashes. Pansin ko sa eq kahit walang ihi parang naghihiwa-hiwalay yung pads nya yung ihi sa harap lang hindi napupunta sa likod unlike sa huggues.

Wag po EQ, matigas at malapad sya kaya nakaka sakang ng baby. Harsh din sa balat. Bumili ako nyan marami,hindi naubos ng baby ko kasi pinalitan ko ng pampers. Better huggies odikaya pampers nalang mas mura pa

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-50903)

Lahat yan magaganda. Depende lang tlga kung saan hiyang si baby. Sa baby ko eq qt pampers hindi siya hiyang nagka rashes siya parehas kaya lampin lang kami ngayon. Matipid si baby🤣