Surname ng baby

Hi Mommies! Just want to ask something specially sa mga may experience na ng ganitong case. I'm 7mos preggy and still doubting if gagamitin ba ng future baby ko ang surname ng Daddy niya. Sa part ko kasi ayoko kasi first of all hindi kami kasal pero before naman nagpaplano kami ng name, okay sa'kin na sa kanya gamitin kahit hindi kami kasal kasi super okay kami that time. Ngayon na ito na, nagsisimula na kami sa mga plano namin nagbago kasi siya. To make the story short, I can see that he is willing to be a father but not to have a family. On my side, hindi ko nakikita na 100% willing na siyang mag commit at mag focus sa kung anong ahead sa future naming dalawa dahil sa barkada. May work na siya pero hindi siya nagbibigay sa'kin ng pera which is I understand kasi breadwinner siya ng family nila. Siya na ang bumubuhay sa dalawa niyang kapatid ng mag-isa so iniintindi ko na lang. Pero kasi ang labas sa kanya is nagbibigay siya sa'kin ng pera kapag DAW may extra siya which is isang beses pa lang nangyari at 300 pesos 'yon. Nung wala pa kaming baby ako talaga gumagastos sa'ming dalawa, ako lagi nagbibigay at never kong inopen sa kanya 'yon or nagtanim ng sama nang loob kasi bukal sa loob ko 'yon. Now na nagkawork siya, nung unang sahod binigay niya sa'kin lahat (3mos preggy ako) binili ko din 'yon ng mga gamit niya kasi like brief, short ganyan. Then second sahod tig 1k kami pero 'yong 1k na binigay niya sa'kin is siya lang din umuubos kasi hindi niya ginagastos 'yong 1k niya. Siguro umabot ng 3 beses niya akong binigyan ng 1k (na siya lang din ang umuubos) then after nun wala na. Huling bigay niya ngayon is 1k pang bili ng crib ni Baby then 300 pesos na hindi ko alam bakit niya binigay pinambili ko lang din ng anmum. Naintindihan ko 'yong pag stop niya sa pagbibigay dahil nga siya na ang tumayong ama at Ina ng mga kapatid niya that time. Btw, construction worker siya at every week ang sahod. Madami na din akong naipon na unilove products ni Baby at iba pang gamit ng ako lang, may work din naman kasi ako kaya wala akong masyadong problema financially. Ang kinainis ko lang kasi is nung time na hindi na nga siya nagbibigay ng pera sa'kin kahit may work siya, panay hingi pa din siya sa'kin ng pambili niya ng yosi, kape, ulam ganyan tapos minsan sasabihin niya utang daw kahit hindi naman binabayaran. Hanggang sa one time nag-away kami sa maliit na bagay, lasing kasi siya at kapag lasing siya mabilis uminit ulo niya. Hindi ko alam kung bakit siguro nadala ng galit nasabi ko sa kanya lahat ng masasakit na salita like "ang kapal ng mukha mo, ni hindi ka nga nahihiya sa'kin, wala kang binibigay kahit piso tapos pati pambisyo mo sa'kin mo inaasa." Kahit alam niyang buntis ako dalawang beses niya akong pinalayas sa bahay nila ng hatinggabi. Well 3rd floor lang naman bahay ko at 1st floor siya pero syempre mahamog na tapos bitbit ko pa mga gamit ko. One week akong hindi umuwi sa kanya kahit anong pilit niya. Hindi din alam sa bahay, sabi ko lang kila Mama, naiinis ako kakahintay lagi sa kanyang umuwi kapag umiinom kaya sabi ko sa bahay muna ako matutulog pansamantala. Hindi kasi talaga ako palasabi ng problema. Sabi ng Lola ko dapat daw ilabas ko kasi hindi makakabuti sa'min ng baby magkimkim pero hindi ko pa din sinabi kasi ayokong masira image ng bf ko. Then nung naging okay kami inopen up ko sa kanya lahat ng hinanakit ko, sabi ko hindi sa sinusumbat ko, sinasabi ko lang yung part ko kasi pakiramdam ko naaabuso na ako. Pero para sa kanya sumbat pa din, start nun hindi na siya nanghingi sa'kin at kanya-kanya na kaming pera talaga. Okay lang sa'kin na ako lahat gumagastos ng needs namin ng anak ko. Monthly check up, mga ultrasounds, laboratory, gamot and vitamins ako lahat. Take note, hindi ko siya kasama sa mga 'yan pero kapag umaabsent siya sa work dinadahilan niya sinasamahan niya ako at sinabi ko 'yon sa kanya na sampal yun sakin kasi ako lagi ko siyang iniintindi na hindi ako nasasamahan dahil may trabaho siya. One time, nagtry akong magpasama sa kanya ang sagot niya sa'kin is "kay Mama ka na lang magpasama by, may trabaho kasi ako." Mama ko ang tinutukoy niya. Si Mama kasama ko sa lahat, lagi siyang umiinom kasama barkada niya after ng work. Kapag nag-aaway kami dahil sumusobra siya sinasabihan niya ako na hadlang sa kaligayahan niya. Kailangan pa naming mag-away ng matindi bago siya tumino at marealize na mali na ginagawa niya. Pero tinatanggap ko lahat. Isang salita lang talaga ang nakapagpabago ng isip ko kung bakit hindi ko na isusurname sa kanya ang baby ko. Before kasi nung nagsstart pa lang kaming dalawa, nag-iipon kami kada sahod namin ng tig 500 pesos siguro months pa lang kami that time, bago palang. Sa carwash siya nagwowork at ako naman sa Mcdo. Yung ipon na yun is pambili namin ng bahay sa future kaso natigil nung inutang ng Mama niya tapos yung natira sabi ko ipambayad na lang sa tubig nila tutal siya naman ang nakatoka dun tapos pinambili din namin ng phone niya then may natirang 2k, sabi ko hati na lang kami. Hindi ko inisip na unfair sa part ko kahit 1k lang napunta sa'kin kasi para sa kanya naman at bukal sa loob ko. Then ito na, may makukuha kasi ako sa SSS dahil sa maternity benefits sabi ko sa kanya simulan na ulit naming mag ipon para sa bahay. Nakakatuwa 'yong sagot niya na "kaya mo lang gustong magpagawa ng bahay para hindi ko na makasama tropa ko, para hindi na ako makainom." As far as I remembered nung nag paplano pa lang kami sinabihan ko siya na gusto kong may guest room at least two sabi niya huwag na para saan daw 'yon. Sabi ko para kapag may celebration ganyan or iinom mga tropa niya sa bahay at hindi na kayang umuwi may matutulugan sa bahay. Or kung gusto ng friends ko or friends niyang mag overnight, open sa bahay namin kasi may guest room naman. Dun ako nagstart mag doubt sa kanya at naisip na hindi kami mag eend game hahaha. By the way, naopen up ko na 'to lahat sa kanya at away lang ang ending. Ngayon, masama loob niya kasi hindi surname niya ang gagamitin ng anak namin. Tingin niyo mga Mommies, based sa point of view ko tama lang ba decision ko? Medyo nag aalangan pa naman ako pero naiisip ko kasi na may karapatan pa din siya sa bata pero at some point naiisip ko din na hindi niya deserve kasi ako naman ang naghihirap dito. Hindi to about sa financial kundi sa kung paano niya ako tratuhin ngayon. Naniniwala naman ako na hindi siya habangbuhay sa ganyang work at sinusuportahan ko siya sa pangarap niya. Sabi ko pa nga kapag f2f na mag-aral siya kasi tumigil siya nung nag grade 8 siya para work kasi namatay Tatay nila at siya ang tumayong panganay kahit pangalawa siya. Hanggang dito na lang, masyado ng mahaba. I accept criticism, just want to know if my decision is right habang hindi pa lumalabas si Baby.#1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy if you see red flags and you are thinking twice, I think you need to follow your gut. Mukhang hindi kayo ang magiging priority. Also, mas madali naman daw magpalit ng surname to husband's surname than to change back sa surname mo. Sa mga decisions mo sa bata din daw, kapag nakapangalan siya sa dad niya, kakailanganin mo yung consent niya. Less stress kung sayo na lang di ba. Mukhang mahirap kausap yan baby daddy mo eh. Based sa kwento mo, I think your child deserves your surname.

Magbasa pa
2y ago

hahanapin po si daddy kasi may pipirmahan siya dun. I suggest wag mo na ilagay. Binibigyan mo lang siya sa karapatan sa anak mo

Ngayon pa lang masyado ng maraming red flags. I suggest sayo mo na lang i-surname yung baby mo sis