depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Aww. I feel about you sis. My partner was once physically and orally abusive to me.. Lumaban ako , hindi ako nanahimik lang. I was once like you na hinayaan ko lang syang ganyanin ako.. Ganyan sya kase alam nyang di mo sya kayang iwan lalo na't kasal na kayo. But yung akin kasi sis, until napagod na ako. I decided to leave him. OF COURSE, NO WOMAN WOULD EVER DESERVE TO BE TREATED THAT WAY.. Hindi ako nagparamdam sakanya, until narealize naman nya na gago sya. Oo talaga. Then nagbago naman sya. Pinakiramdaman ko muna ofcourse. UntiL nakita ko na sincere naman sya, pinursue nya ako uLit,and now magkakababy na kami. He changed, for the better, not only for the both of us, but also for our baby. Sis, kapag Mali na, Tama na. You don't deserve to be treated like that, and no woman would ever be. You deserve the best. You can be more. Wag kang magsettle dahiL lamg kasal kayo. Be brave para sa mag babies mo. Kung Mahal ka, hindi ka tatratuhin ng ganyan sis. I've shared my story not to give you hope na magbabago sya. Just on the other hand din na if ever nga magbago sya, it would be for Love and not just for the flesh. Lumaban ka sis. Seek help if needed. Meron tayong RA na Violataions Agains Women and Children. May mga help desks for women also sis. Find the courage to stand up. Sis, I'm telling you. Hindi mo deserve yan.

Magbasa pa
5y ago

i feel sad rather