depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi dapat natin hinahayaan mga babae na itrato tayo ng ganyan ng mga lalaki. Lalo na kung asawa mo pa. Hindi ka naman po malalagay sa ganyang sitwasyon kung hindi mo hinayaan. Simula pa lang hindi na maganda trato nya sayo diba? Habang pinagbibigyan ang mga abusadong lalaki lalo nilang ginagalingan sa pang aabuso sa babae. Hinintay mo pa na mabuntis Ka at maikasal kayo, ngayon hindi na ganoon kadali na humiwalay sa kanya. Pero nasayo pa din naman yun kung gugustohin mo. Ang masasabi ko lang kung hindi Ka pa aalis sa sitwasyon mo ngayon kasama ang asawa mo na mukhang may sira at saltik sa ulo. Ihanda mo yung sarili mo sa maraming sakit at kalbaryo na pwede mo pang pagdaanan. Mas worse pa dun kapag idinamay pa ang anak mo. Pag Isipan mo ang bawat desisyon na gagawin mo.

Magbasa pa

Nung unang beses ka niyang sinaktan dun palang dapat iniwan mo na siya. Kasi hindi na magbabago yan at masusundan pa yung pananakit nya sayo or sa mga anak mo, Wag mo ng isipin na kasal kayo, isipin mo yung buhay mo at buhay ng mga anak mo. May problema yata sa utak yang asawa mo, tignan mo kung anu ano pinagsasabi. Dalawa din anak ko pero magkaiba din ng tatay, Swerte ko sa asawa ko ngayon kasi di nya ako ginaganyan, kahit nga pagsalitaan ng masakit di nya ginagawa sakin. Sinabi ko din sa kanya na pag ako sinaktan mo ng isang beses iiwan na kita. Pero parang nakikita ko ako pa bubugbog sakanya eh. Kaya ikaw wag mong hayaang sinasaktan ka lang ng asawa mo. Madaming paraan para makalaya ka sa kamay na bakal ng asawa mo, wag mo na hintayin mapatay ka pa ng baliw na yan.

Magbasa pa

mommy, you dojt deserve to be in that kind of relationship, isipin mu mga anak mu, lalaki sila na may kasamng demonyo sa bahay, wag mung hayaan n ma witness nla ang kagaguhan ng husband mung ulol, isipin mu mga anak mo mommy, wag kang matakot magsumbong ss parents mu, maramin tao ang aalalay sayu, andyan yung mg agencies natin na kya kang proteksyunan, wag kang matakot sa asawa mu, ipaglaban mu yung rights mu as a woman, verbally and physically abusive yng asawa mu,hndi yan dapat palampasin, depression na aabutin mu dyan, kawawa nman mga bata kung depress kna hndi mu sila mpapalaki ng maayos. just pray to God, everything is Possible, and everything works together for good.. malalampasan mu yan mommy.

Magbasa pa
VIP Member

Sis mukhang may personality disorder asawa mo. Kung ako sayo wag mo nalang muna isipin yung pagiging kasal niyo. Seek help. Baka mamaya ano pa mangyari sayo and kay baby. Magsabi ka sa magulang mo. Isumbong mo na asawa mo. Kase hindi na normal yan. Hindi tama na saktan ka niya. Hindi tama na mura murahin at sinasabihan ka ng mga inappropriate words. Bilang babae, asawa at ina ng kanyang anak hindi tama na ganyan ganyanin ka niya. Please. Be brave to seek help. Kung mahal mo talaga siya at iniisip mo ang pagiging mag asawa niyo, you need to help him. Para maging maayos yung takbo ng utak niya. Stay safe sis. I hope na sana maging okay lahat for you. Godbless you 😇

Magbasa pa

Alam mo huwag ka matakot, maging matapang ka kasi magdadalawa na anak mo, sa kanila ka kumuha ng lakas ng loob, mas ok wala kasama kung sakit naman sa ulo, gawun mo priority ang mga anak mo, kaya mo yan buhayin basta hungi ka ng guidance sa pamilya mo lalo kay, god kasi wala naman imposible pag dating sa kanya, basta pray ka lang at tatagan mo loob mo, makakaya mo yan, tiwala lang mommy, kung natatapakan na pagkatao mo lalo pagkababae mo time to move on, iwan mo sya kahit kasal kayo, pag nagbago at nakita mo sige bigyan mo ng chance if wala wag mo na aksayahan ng time,. Mas magiging maganda buhay ko kung walang stress.. Ingatbat goodluck sa 2nd baby mo. M

Magbasa pa

Hi ma, kung ako po ang nasa kalagayan niyo malamang ay madedepress din po ako subalit kailangan natin lumaban para sa mga anak natin. Huwag mo pong isipin ang kasal para mapagtakpan ang mga kakulangan ng asawa mo. Mas maganda na po sigurong mabuhay na walang nananakit sayo sa anak mo at sa magiging anak mo pa kaysa hindi mo alam kung anong mangyayari sainyo sa future. Alam kong mahirap ang maging single mom. Siguro natatakot kang iwan ang asawa mo at magisang palakihin ang mga anak mo. Pero kung ang katuwang mo sa pagpapalaki sa mga anak mo ay nananakit, verbal at physical siguro ay mas uunahin ko na lang ang kaligtasan ko at iiwan ang aking asawa.

Magbasa pa

Mainam hiwalayan mo na sis.. kayanin mo mag isa kesa naman buo nga kayo ganyan naman ginagawa sakit sa ulo.. stress ka panu pa pag nanganak ka baka mapagdiskitahan pa nya ung baby nyo maawa ka sa sarili mo at sa mga anak mo.. mag isip ka maigi at maging matapang ka..ung pagbabanta nya sayo gamitin mo para mapakulong sya sapat na dahilan ng binubugbog ka at ung mga pagbabanta nya.. maawa ka sa mga anak mo wag mong hintayin may mangyari pa sknla na masama na baka kada malalasing sya e saktan nya ung 3y.o mong anak at ung baby nyo pag nanganak ka..ikaw dn mahirap magsisi bandang huli mas importante ang anak kesa sa asawa lalo kung ganyan na asawa

Magbasa pa

Wag kang matakot magsumbong sis. Siraulo na asawa mo. Mas okay din na don ka na tumira sa pamilya mo kasi buntis ka kahit ganyan tatay ng pinagbubuntis mo wala naman kasalanan ang bata baka madamay pa siya sa siraulong tatay niya. Gawan mo na ng paraan ngayon palang sis hiwalayan mo papuntahin mo sa brgy magpirmahan kayo don kung ayaw mo na talaga baka sa susunod na nakainom yan di lang panganay mo idamay niya di na siya makapag isip ng tama at mali parang nagdudrugs ata yan e. Lesson lang diyan sis is, trust your guts. Kung nagdalawang isip ka na wag mo na ituloy it's either madidisappoint ka o may mangyayareng di maganda.

Magbasa pa

Meron po tayong women’s desk na open sa mga barangay kahit na ongoing ang ECQ, dumulog kana po doon para di yan lumala. Matutulungan ka pa ng barangay kasi bibigyan sya ng TRO or PRO. Try mo pong basahin yung VAWC law sa google para mabigyan ka ng idea kung anong steps yung dapat mong gawin. Impyerno yang dinadanas mo sa kanya, surely kapag nalaman ng parents mo yan maghuhurumintado din sila. Gago yang asawa mo, kagigil porket mas malakas sya kesa sayo sasaktan at sasaktan ka nya. Iwanan mo na yan, wag mong hayaang lumala pa yan kasi hindi mo gugustuhin kung ano ang pwede nyang gawin sa inyong mag-iina. Siraulo yan.

Magbasa pa

Mommy s mga message sayo ng mr. Mo mukang my sayad talaga sya s pagiisip nakakatakot sya baka s susunod hndi lang bugbog abutin mo baka mapatay kana nyan. Kya habang maaga pa hndi mo pa nailalabas ang anak nyo iwanan mo na lumayo ka sknya. Matakot ka pra s kinabukasan ng mga anak mo. The way itrato ka kung saktan ka at pagsalitaan gawain yan ng taong may sayad s pagiisip. Hindi kaya drug addict yan mr mo?? Pwede maging grounds yan para sa legal separation. Ako natatakot for you and para s mga anak mo. Be strong para s mga bata. Iwanan mo sya at kung pwede magfile ka ng kaso para na din s kaligtasan nyong magiina.

Magbasa pa