depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

192 Replies

Kung aq sau momshie iiwanan q na yan once na sinaktan ka ng lalake at ok lang sau uulet at uulet yan nakakatakot kung ikaw o siya ang napatay, mas nakakaawa ang mga anak mo , kasi baka ganun talaga siya.. be strong para sa mga kids mo malalampasan mo yan kahit wala yung father ni baby good luck and Godbless u always

Kisa namn yong ganyan mommy mag tiis ka saknya habang buhay 😥😥😥 lakasan mo lang loob mo . . mas maganda mommy kong sasabihin mo sa mama mo ako ganyan din dati .. Oo nagalit sakin si mama .. Pero kahit galit sya di parin na aalis ang pagging ina nya pinaparamdam nya parin sakin yon

Nako po pakulong mo nayan ata or lapit ka ki raffy tulpo para kahit maging single mom ka atlist panatag lagi ang loob mo baka sakaling tulongan kapa ni raffy basta kapag binogbog ka nya ulit tapos nag kapasa ka pa medical ka ng secrto tapos tago mo yon para pag nag kaso ka may laban ka

Hala. Pls po lumapit na kayo sa pulis. Maawa ka sa 1. Sarili mo 2. Sa 3yo mo 3. Sa baby niyo. Kung kaya ka niyang bugbugin, kaya niya rin yan gawin sa mga anak mo. Please. Ako na po nagmamakaawa. Mahirap makawala sa sitwasyon mo wag mo nang hintayin na mapatay niya pa isa sainyo. Hindi imposibleng magawa niya yun.

I report mo na yan sis. Kung ngayon nagagawa niya yan, paano pa kapag lumabas baby niyo. Di niya naisip na buntis ka at sensitive... Please isipin mo sarili mo at babies mo. Di mo deserve yan, walang may deserve na ganyanin.... Hindi sa kanya iikot ang mundo mo sis... Kayanin mo, para sa mga anak mo. Kaya mo yan!

Hope you're okay mamsh. Sana nung unang beses ka pa lang nyang sinaktan iniwan niyo na po. Kasi mukhang siraulo po yang partner nyo eh. Unang beses po kayong sinaktan eh naospital na kayo dahil need tahiin yung ulo nyo. Baka sunod po nyan di lang yan abutin nyo mamsh. Sana maging okay po kayo mamsh. Godbless po.

Late to say pero sana hindi kna nagpakasal sa kanya. At sana bago ka mabuntis iniwan mo na sya. Sana kayanin mo makalayo sa kanya para na din sa anak mo at magiging anak nyo. Gugustuhin mo bang lumaki ang dalwa mong anak ng ganyan ang environment. Pls umuwi kna sa inyo at kapag kaya mo na magtrabaho ka.

VIP Member

Praning yan. Nagkaroon ako ng ex na ganyan, Seloso yung ex ko na un sobra tapos t.h pag tinoyo sya parang ganyan, minsan nga nakakatakot parang sinasaniban ng somethinh pag nagwawala tapos biglang magmamakaawa iiyak magsosorry, ako naman si gaga naaawa kaya tumagal pa kami ng 6 years my gudness! 😂

Mauulit lang po yan Momsh kng di mo sya hihiwalayan at kakasuhan. Ikaw din at anak mo mahihirapan. Wag mo isipin kung walang kikilaning ama ang magiging baby mo. Maiintindihan nya din yan pag laki nya..kesa naman ganyan na hindi ka kaya irespeto sa simula pa lang. We're praying for you and your baby.

Wala na patutunguhan yung pagsasama nyo,humingi man siya ng sori paulit ulit lang yung mga nangyayari sa inyo..isipin mo naman mga anak mo di nila deserve na itrato ng ganyan,magdasal ka po at gawin mo yung tama at ikabubuti niyo ng mga anak mo..ipa tulfo mo asawa at i video mo para me ebedinsya ka.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles